Pagdating ng mga bisita, agad silang sinalubong ng mga Kuya ko – sina Kuya Ysmael, Kuya Robert, at Kuya Michael. Nandoon din ang aking mga kaibigan mula sa Café Inggo. Masaya silang nakipagkwentuhan at nagsalo-salo habang naghihintay sa highlight ng party. “Ryse, ang ganda ng setup! Grabe, ang saya-saya namin para sa’yo,” sabi ni Jannah habang tinitingnan ang mga dekorasyon. “Salamat, Jannah. Lahat ng ito, para kay baby namin,” sagot ko habang niyayakap siya. Syempre hindi sisimulan ang party ng wala si Steven. Nalate si Steven ng uwi dahil maraming ginagawa sa resort. Mga ilang sandali lang ay dumating din siya. Nagmamadali siyang lumapit para yakapin ako. “I'm sorry, Babe. Nalate ako ng uwi. Nainip ka ba masyado?” Nag-aalalang tanong niya. Umiling naman ako at hinalikan ko ang k

