Kinaumagahan, nagising kami nang maaga dahil may appointment kami para sa ultrasound. Excited at may halong kaba ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, handa na kami ni Steven na habang inaayos ang gamit ko. “Oo, Babe. Hindi na ako makapaghintay malaman kung ano ang gender ni baby,” sagot ko habang nag-iinat ng kamay at pupungay-pungay pa ang mata. Bumangon ako sa higaan saka kami sabay na naligo ni Steven. Nang matapos ay nag-ayos na kami. Ako ay nakasuot ng isang flowy maternity dress na kulay light blue na may simpleng floral pattern. Ang dress ay may empire waistline na makikita ang aking baby bump ng maganda. Nakasuot ako ng flat sandals na may straps na kulay white. Ang buhok ko ay nakalugay, malambot at wavy, at suot ko ang simple pero eleganteng pearl earrings. Si Steven nam

