Habang iniinom ko ang gatas, hindi ko maiwasang mapaisip sa lahat ng mga nangyari sa araw na iyon. Nagsimula kami sa pamimili ng gamit para kay baby, nagtungo sa photobooth, at naglibot sa bookstore. Pakiramdam ko ay napakasaya ng araw namin, ngunit ramdam ko rin ang pagod sa katawan. “Alam mo, Babe, kahit napagod ako ngayong araw, masaya ako dahil kasama kita sa lahat ng ginagawa natin,” sabi ko habang inaabot ang kamay ni Steven. “Ganun din ako, Babe. Lahat ng ito ay mas espesyal dahil kasama kita,” sagot niya habang hinahaplos ang kamay ko. Humiga na rin si Steven sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang mabilis na t***k ng kanyang puso. “Babe, excited na akong makita si baby,” bulong niya habang nakapikit na ang mga mata. “Oo, Babe. Ako

