KABANATA 34 Habang nag-aayos silang dalawa ni Max ng malaking Christmas Tree sa gilid ng pool area ay hindi niya mapigilang sitahin ang kanyang kapatid. Dalawang araw palang ito rito sa manor ay ang dami na nilang hindi nagagawa ni Maureen, naging limitado ang galaw nila at higit sa lahat naistorbo ang privacy nilang dalawa. Ngayon niya nalaman ang ibig sabihin ni Harvey noon sa kanya nang minsang dumalaw siya sa bahay ng mga ito. “Alam mo, Dux, total mahal ka na naman ng babaeng pinapangarap mo bakit hindi mo pa i-secured?” anito. Nagkunot ang noo niya. “What do you mean?” aniya na itinigil ang pagkakabit ng mga artificial leaves sa Christmas tree. Sininghalan siya nito ng tinin. “Bakit hindi mo na ayaing magpakasal?” Pagak siyang tumawa at nagpatuloy sa ginagawa. “Sh

