KABANATA 33 “Are you sure this gonna work?” tanong ni Dux sa kanya. Nasa kuwarto na silang dalawa at kapwa nagpapahinga, halos mag-aalas tres na ng madaling araw na bago umalis si Sera at ayaw pa rin silang tantanan ni Max. Mukhang broken-hearted din ang isang Mondragon, iyon ang sabi ni Dux pero wala naman siyang napansing kakaiba dito maliban sa pagiging maloko at pilyo. “Ako na ang bahala sa lahat, basta siguraduhin mo lang na pupunta lahat ng angkan mo,” aniya na yumakap dito. “Bakit may pakiramdam ako na gumagawa ka lang ng paraan para makilala ang pamilya ko?” Kahit hindi niya tingnan ito sa mukha ay alam niyang nakangiti ito sa kanya. “I just want you to be happy. Alam kong namimiss mo na rin ang mga magulang mo,” aniya. Inangat nito ang kanyang baba at tinit

