KABANATA 32 Pagkatapos nilang magsalo-salo sa mainit na sopas na niluto ni Yaya Tessy ay nagpaalam na muna siya para umakyat sa kuwarto ni Dux. Nahihiya pa siyang kasama si Max, kahit pa sobrang napaka-jolly nitong tao. Ang dami niyang nalamang kalokohan ni Dux no’ng bata-bata pa ito at natatawa siya sa asim ng mukha ng nobyo habang nagkukuwento ang nakababatag kapatid nito. Pagpasok niya sa kuwarto ni Dux ay kinuha niya agad ang kanyang cellphone at balak tawagan si Caryn nang makita ang napakaraming text at missed call mula kay Warren. Napailing na lang siya at nagpasyang i-block ang binata, tapos na siya rito at mas lalong nalinawan na ngayon ang lahat sa kanya. Binuksan niya ang kanyang video at sumampa sa kama, napangiti siya nang makita ang malaki ng tiyan nito, halata ri

