CHAPTER 31 Napakislot si Maureen nang makarinig ng malakas na kulog na sinabayan nang pagkidlat. “Mukhang masama yata ang panahon ngayon,” ani Dux na umilip pa sa madilim na kalangitan. Hindi siya kumibo at nanatili lamang nakatitig sa kawalan. Bumuhos ang malakas na ulan at hindi nila masyadong maaninag ang daan. Ipinasya ni Dux na maghanap nang masisilungan pansamantala at eksaktong may isang malaking puno sa gilid ng kalsada. Nang huminto ang sasakyan ay saka lang siya natauhan at napatingin sa labas. Hula niya ay nasa isang parke sila ngunit dahil sa malakas na ulan ay hindi niya makita ang buong lugar. “Are you okay, love?” Napalingon siya sa malambing na boses ni Dux. Ngumiti siya at tumango. “Medyo nagpa-process pa sa utak ko ang lahat pero okay lang ako.”

