CHAPTER 65 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Tanda na gusto niya akong halikan. Inilayo ko ang mukha ko. "Please? Just one kiss, kahit sa pisngi lang." Ngunit hindi ko na hinintay pang siya ang hahalik sa akin. Hinalikan ko ang labi niya. Napapikit ako. Sandali lang iyon ngunit para sa akin, isang makahulugang halik dahil muli kong binibigyan ng pag-asang magkabalikan kami. Iniligtas niya ako at inilayo sa kapahamakan kanina. Ngunit hindi ko pa rin magawang ibigay ang buong tiwala ko kahit isa sa kanila ni L-jay. Kailangan ko pa ring mag-ingat. Pagpasok ko sa aking condo ay nagimbal ako sa dugong nakakalat at sa nakasulat sa pader na, “Leave him or I will kill you all!” Naalala ko si Mommy na mad

