CHAPTER 64 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Sabi niya, ikaw ang naghahabol. Ikaw ang di makapagmove-on. Gusto ka na raw niyang iwan kaya lang hindi niya magawa dahil ayaw mong bumitiw." "Kalokohan 'yan Julia." "Paanong kalokohan?" "Sa dami ng ibang tao diyan na puwede niyang mahalin, bakit ikaw? Kasi alam niyang mahal na mahal kita at kung napa-ibig ka niya, wala akong mababalikan. Magiging miserable ang buhay ko. Paano ko ba kasi kakayanin na ang bestfriend ko at ang ex ko ang magkakatuluyan? Ang masakit, mahal ko yung taong iniwan kong ex ko dahil sa gusto ko sanang mabago ng bestfriend ko ang buhay niya. Oo Julia, gago ako noon pero naramdaman mong minahal kita! Kaya ka niya pilit kinukuha sa akin dahil iyon ang alam niyang pinakamat

