CHAPTER 63 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Malalim na ang gabi ngunit ayaw kong umuwi na madami pa ding katanungan sa isip ko. Nandito na din lang si Denver, mainam na kausapin ko na rin siya agad. Nang nakabili na siya ng tubig at pagkain ay iniabot na muna niya sa akin ang tubig na binuksan na niya. “Let’s go na? Sundan mo na lang ako ha?” “Sure!” Sa isang park siya huminto. Itinabi ko ang sasakyan ko sa sasakyan niya. Hinintay na muna niya akong makalabas bago kami sabay na naghanap ng aming mauupuan. Madami pa ring tao sa Park. Naupo kami malayo sa mga nagtatawanan at nagkakantahang mga kabataan. Inilapag niya ang pizza at inuming dala niya sa pagitan namin. Binuksan niya ang mineral water pang isa at iniabot niya sa akin. Binuksan din niya ang box ng pizza at naamoy ako ang

