CHAPTER 85 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Pagdating namin sa bahay nila ay masaya siyang sinalubong ang Mommy at Daddy niya. Itinago pa ako nina Tito at Tita para daw i-surprise siya. Hindi ko rin kasi sinabi sa kaniyang uuwi ako para ayusin ang sa amin. Na-surprise naman siya ngunit surprise na parang naalangan. Surprise na parang hindi siya ganoon kasaya katulad ng sayang nararamdaman ko. Ibang bunso na nga ang nadatnan ko. Mas matangkad at mas guwapo sa akin. Hindi man kasimputi ko ngunit malakas ang dating niya. Ngunit hindi na siya yung iniwan ko. Ni hindi niya ako niyakap. Isang naasiwang ngiti lang ang isinukli niya sa akin at nang yakapin ko siya ay umatras siya. Nagtaka ako. Ngunit lahat ng pagtataka ko ay nasagot nang ipinakilala niya sa kaniyang magulang at sa akin ang k

