CHAPTER 86 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Grabe ka. Hindi ko alam na ganyan ka. Hindi ko inisip na kayo mong gawin sa akin ito sa kabila ng ating mga nakaraan.” Sobrang sakit sa akin kahit alam ko na dati pa. Iba pa rin pala ang hapdi kapag nacoconfirm na ang iyong hinala. Ngunit tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin. Hindi ko siya mapilit na balikan ako. Parang wala nang naiwan sa akin dahil sinimot niya pati ang pangarap ko kasi siya ang dahilan kung bakit patuloy akong nangangarap. Kasama siya sa lahat ng pangarap na iyon. Tumalikos ako para simulant na sana ang paglayo at paglimot dahil mukhang wala na rin lang naman akong magagawa pa. Hindi ko na maipipilt pa ang sarili ko sa kanya. Yumuyugyog ang balikat ko dahil sa hikbi at hagulgol. “Vince, sandali lang.” tinawag niya ak

