CHAPTER 87 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Isang araw ay nilapitan ako ng bestfriend ni Bunso. Kinausap niya ako dahil nalaman niyang isasama na namin sina Angel at Bunso sa pagbabalik namin sa ibang bansa. Alam kong takot siyang maiwan. Wala na kasing kasiguraduhan pa ang ang ramdam ko namang sikreto niyang pagmamahal kay bunso. Alam kong pati pagkakaibigan nila ay mawala kung tuluyan silang paglalayuin. Maiiwan siya dito sa Pilipinas at kami nina Bunso at Princess ang magkasama sa Canada." "Mahal mo pa ba ang mahal ko?" tanong niya sa akin noon. Seryoso ang mukha. Naghihintay ng totoong sagot. “So, malinaw na bakla ka rin kagaya ko. Mahal mo talaga si Bunso ano?” “Tinatanong kita! Noon pa ako nagpipigil sa’yo baka akala mo! Mahal

