CHAPTER 70 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Nakikita ko ang kakaibang galit nito sa kaniyang mga mata samantalang napaka-relax lang ni Denver. Nakangiti pa nga siyang nakatingin sa nag-aalburutong si L-jay. Inilipat ni Denver ang tingin niya sa akin. Nakangiti pa rin. May kung anong kakaiba sa ngiting iyon. "Mahal ko, why don't you ask Luke James, aka, L-jay to just leave? As far as I remember, hindi siya imbitado sa dinner natin. Ito na yung sinasabi ko sa'yo. Manggugulo lang 'yan sa kung anong meron tayo. Losser!" parinig ni Denver kay L-jay. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Denver pero lalabas din ang totoo. Hanggang kaya kong ipaglaban si Julia, gagawin ko, kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya!" malakas na sinabi ni L-jay. Lumingon ang ilang naroon. Napalunok si Denv

