CHAPTER 69 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Label na lang pala ang kulang. Masaya na ako na marinig na sinabi mong mahal mo ako. That’s something to celebrate. Sandali ha? Oorder ako ng wine for us… Waiter!” itinaas niya ang kamay niya. May lumapit. Hindi ko tinitignan kung sino ang lumapit dahil tinignan ko ang cellphone ko. Natigilan si Denver kaya ko siya tinignan. Magsasalita pa lang sana si Denver para sa oorderin niyang wine nang nanlaki ang mga mata niya sa biglang dumating sa table namin. Nakatayo. Akala ko nga nang una, iyon na ang waiter ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko. Si L-jay ang naroon. Kung ano ang suot niya kaninang umaga, iyon pa rin ang suot niya, mas masahol nga lang ang hitsura niya dahil hindi na siya yung L-jay

