CHAPTER 68 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Para sa pinamamahal kong mahal ko." Iniabot niya sa akin ang bulaklak. Malugod ko namang tinanggap iyon. "Salamat. Talagang pinaninindigan mo ang pagbibigay lagi nito ha." "Siyempre naman. Kapag ako, mamatay, dapat laging ito ang dalhin mo sa puntod ko ha?" nakangiti niyang biro sa akin. Inakbayan niya ako. "Sus, baka nga ikaw nga ang magdadala sa akin nito sa puntod ko e." pabirong sagot ko. "Dinner date ngayon okey? Malayo pa ang Halloween para pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa mga patay patay na 'yan." Nakatawa niyang sagot. “Hangga’t kasama mo ako. hangga’t ako ang pinipili mo, ligtas ka sa akin. Kaya huwag na nating pag-usapan ang patay patay na

