CHAPTER 59 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Nang umalis ako't iniwan kita doon, sabi ko, bakit ako nagpapakaduwag. Bakit kailangan kong iwan ang mahal ko dahil lang sa takot ko sa matalik kong kaibigan noon? Saka alam kong kahit iwasan kita nagiging bahagi ka na sa aming gulo. Mas kailangan mo na ako ngayon. Binalikan kita ngunit huli na ako, nandoon na siya. Bago pa man niya ako makita ay umalis na ako ngunit hindi talaga kita iniwan noon. Umikot lang muli ako. Nagmamatyag sa maaring mangyari. Ngunit hindi ka niya sinaktan. Iyon ang isa ko na namang ipinagtatataka. Kaya lang, may isa na alam kong sigurado ako. May iniisip siyang hindi maganda. May binabalak siyang masama laban sa'yo." "Ano naman ang puwede niyang gawin sa akin?" tanong ko. Tinanggal ko ang ulo ko sa ka

