CHAPTER 60 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Pumapatak na ang malapot at mabahong dugo ng multo sa mukha ko. Kahit ang naagnas na niyang laman ay tumatama na sa aking bibig. "Nandiyan na siya! Papatayin ka niya! Ikaw ang isusunod niya. Tulungan mo ako! Tulungan mo ang sarili mo! Gumising ka! Gising!" hanggang sa dinambaan na niya ako. Buong lakas ko siyang itinulak. Ngunit wala akong naramdaman. Parang hangin lang ang dinaanan ng kamay ko. "Bumangon ka na! Gumising ka!" sigaw niya sa tainga ko. Napamulat ako. Nakita ko ang isang lalaking nakasumbrero. Nakatakip ang kaniyang mukha gamit ng ibinalabal niyang t-shirt. May hawak siyang matalas na kutsilyo. Itinaas niya iyon. Alam kong sa isan

