
Lance Wyatt, mahilig makipaglapit sa mga babae. Inosente ito kung titingnan ngunit may anyong itinatago sa kaniyang loob.
Habang nakikipag-inuman siya sa kaniyang mga kaibigan, ang bawat isa ay may mga kapareha. Katulad ng nakasanayan niya, kunwari ay malaki ang respeto niya sa mga kababaihan. Ngunit sa likod ng ipinapakitang kabutihan niya, ay ang nakakapang uyam na mga ngiti.
Nakilala niya si Stella na isang simpleng babae ngunit sa likod ng kasimplehan nito ay ang napaka-old passion nitong pananamit. Nerd ito kung titingnan. Walang kataste-taste na kung saan ay napaka sinauna talaga ng style nito. Laging balot na balot ang buong katawan nito at puro mahahabang damit ang isinusuot. Halos wala ng makita rito. Napakanerd tingnan.
Inis na inis si Lance kay Stella sa tuwing nagkikita sila nito. Halos pandirian na nga niya ang babae sa pagkadisgusto niya rito.
Ngunit sa likod ng anyo na iyon ni Stella, ang bukal sa puso nito ay lubos na nag-uumapaw. Pero kahit anong gawing kabutihan ang gawin ni Stella ay hindi parin siya magustuhan ni Lance. Ang babaerong bilyonaryo na nakilala niya at nagustuhan niya.
Dahil sa isang company party na kung saan gaganapin ang Awarding ng mga Car Owner, isa si Lance sa mga nakasama para tumanggap ng 'Best Car Brand Owner' Award.
Makikilala niya ang isang maladiwatang dilag na nagngangalang Penny. Anak ito ng isa sa kapwa niya Car Owner.
Mabibighani siya rito at kalaunan ay magkakamabutihan. Ang kagandahan nito ang magpapabihag sa puso niyang mapaglaro. Dumating pa sa punto na nahulog ang mga loob nila sa isa't-isa.
Ang buong akala ni Lance ay si Penny na ang babaeng sasama sa kaniya hanggang sa pagtanda niya ngunit isang masamang panaginip lang pala ang pinapangarap niyang iyon.
Sinabi sa kaniya ni Penny na ayaw siya nitong makasama at pinandidirian siya nito. Ang ipinakita nitong pagmamahal para sa kaniya ay isa lang palang kasinungalingan. Peke! hindi totoo.
Subra siyang nasaktan nang tuluyan na siyang iwan ni Penny at hindi na nagpakita pa sa kaniya. Totoong minahal niya ang babae at doon niya pinagsisisihan ang mga nagawa niya sa buong buhay niya.
Ang paglisan ni Penny sa buhay niya ay siya namang pagbabalik ni Stella. Bumalik sa mga alala niya ang mga binitawang salita sa kaniya ni Penny. Iyon rin kasi ang mga salitang sinabi niya noon kay Stella.
Paano kung si Stella at si Penny ay iisa?
Magagawa ba siyang patawarin ni Penny na kung sa umpisa palang ay ito na si Stella na pinandidirian niya?
Magagawa ba siyang mahalin muli ni Penny kung sa katauhan palang ni Stella ay hindi na niya kayang matanggap?
