JING
Isang linggo simula ng naging magkarelasyun sina Harvey at Jing. Araw-araw pa rin siyang nililigawan ni Harvey. Pinaalam na rin ni Harvey sa kanyang pamilya at sa pamilya ni Jing na may relasyon na sila. Pero dahil nga may alam na si Arvey tungkol kay Sampaguita na kababata ni Harvey. Maraming sermon ang narinig ni Harvey mula kay Arvey. Pina-ngako naman ni Harvey na gagawa siya ng paraan upang hindi maging hadlang si Sampaguita sa kanilang relasyon kaya naging panatag ang loob ni Arvey. Parang kapatid na rin ang turing ni Arvey kay Jing lalo na kapatid ni Esme ito. Kahit na hindi talaga sila magkapatid pero mahal na mahal ni Esme si Jing at Remy.
Masaya ang bawat araw ni Jing at Harvey. Hatid sundo siya ng binata sa eskwelahan. Sabay silang kumain ng breakfast at dinner maliban lamang sa lunch dahil nasa opisina si Harvey kumakain. Gusto pa nga na puntahan ni Harvey si Jing sa tuwing lunch pero sinabi ni Jing na hindi na. Ayaw pa sanang pumayag ni Harvey ngunit ng sinabi ni Jing na break na sila. Kahit napilitan si Harvey umuo nalang ito. Maaga siyang umalis sa kanyang opisina para paglabas ni Jing sa university makikita niya ito kaagad. Mahal na mahal ni Harvey si Jing kaya lahat gagawin niya mapasaya niya lamang ang dalaga. Araw-araw may na tanggap nalang ng kung ano-anong bagay si Jing mula kay Harvey. Kaya kahit hindi naman materialistic na babae si Jing. Kilig na kilig siya sa ka sweetan ng nobyo. Hindi niya pa rin nasasagot ng I love you too si Harvey ngunit pinaramdam niya naman sa binata na mahalaga ito sa kanya. Ngayon half day lang ang kanilang klasi dahil may emergency meeting ang lahat na mga professor. Kaya balak niyang puntahan si Harvey sa opisina nito. Ilang beses na rin nakapunta si Jing sa opisina ng mga Weinstein kaya kilala na siya bilang kapatid ni Esme kaya ang akala nila kapatid ang turingan ni Harvey at Jing. Paglabas ni Jing sa university nag-abang siya kaagad ng taxi. Mabuti naman hindi nagtagal may huminto sa kanyang harapan. Nang makasakay siya, sinabi niya sa taxi driver kung saan siya pupunta. Kilala ang SMITH COMPANY kaya kaagad naman nakarating si Jing sa kompanya ni Harvey. Nang maka bayad na si Jing, nag pasalamat muna siya bago lumabas ng taxi. Inayos niya muna ang kanyang sarili bago humakbang papasok sa loob ng kompanya ni Harvey. Binati siya ng security guard at binati niya rin ito pabalik. Lahat na naka kilala sa kanya binata rin siya. Magalang naman na bumati pabalik si Jing. Pagkatapos dumiretso na siya sa private elevator ni Harvey. Habang nasa loob si Jing ng elevator bigla siyang kinabahan dahil baka magalit si Harvey na hindi siya nagsabi na walang silang klasi. Ka bilin-bilinan kasi ni Harvey na kapag wala silang klasi o maaga ang kanyang uwian hinding-hindi siya lalabas ng school. Tatawagan siya kaagad dahil kahit anong busy daw ni Harvey susunduin siya nito. Kaya heto ngayon kinakabahan siya baka magalit sa kanya ang binata. Ngunit gusto lamang ni Jing na i-surprise at bisitahin din siya.
"Bahala na, kung pagalitan niya ako. Edi uuwi nalang ako kaagad." Wika ni Jing sa kanyang sarili. Malakas siyang bumuntong hininga ng tumigil na ang elevator sa tapat ng opisina si Harvey. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago lumabas ng elevator. Nang makalapit siya sa opisina ni Harvey. Hindi niya, nakita ang secretary ni Harvey sa mesa nito. Kaya naisipan nalang ni Jing na dumiretso sa loob ng opisina ni Harvey. Nakita ni Jing na bukas ang pinto ng opisina ni Harvey kaya papasok sana siya ng makita niya si Harvey na may kasamang babae. Nasa gilid ni Harvey ang sexing babae. Nakayuko naman si Harvey na parang busy sa kanyang ginagawa sa kanyang laptop. Napansin ng babae na kasama ni Harvey si Jing kaya mabilis na pumunta ang babae sa likuran ni Harvey. At humawak ang babae sa balikat ni Harvey saka yumuko. Kaya dumikit ang katawan ng babae sa likuran ni Harvey. Nabigla naman si Harvey sa ginawa sa kanya ni Alia, ang anak ng business partner niya. Nasa ospital daw ang kanyang Daddy kaya nakiusap daw ang kanyang Daddy na siya na ang magbigay ng mga papelis dito. Kaya tiningnan isa-isa ni Harvey. Nang umangat ang ulo ni Harvey upang pagsabihan sana ni Alia. Nanlaki ang kanyang mata ng makita si Jing na naka tayo sa pinuntahan habang nakatingin sa kanila. Bigla siyang kinabahan ng tumalikod at mabilis na humakbang si Jing paalis sa kanyang opisina. Tumayo siya, at sinamaan ng tingin si Alia at pinalabas sa kanyang opisina. At kaagad na hinabol si Jing.
Parang kumirot ang puso ni Jing sa nakita. Kaya kaagad siyang umalis ng makita siya ni Harvey. May luha na lumabas sa mata ni Jing habang malaki ang kanyang hakbang pabalik sa elevator. Parang ayaw pa bumukas ng elevator dahil pakiramdam niya kahit kamay niya nanghihina. Pinugpog niya pa ito ng kanyang kamay upang bumukas. Ngunit hindi talaga hanggang sa naramdaman niya nalang na may mahigpit na yumakap sa kanya. Mula sa kanyang likuran. Hindi niya kailangan hulaan pa kung sino, dahil sa amoy pa lang kilalang kilala niya kung sino ito.
"Baby, girl! I'm sorry. Is not what you think. Mali ang nakita mo! Let me explain." Sambit ni Harvey habang mahigpit pa rin ang kanyang yakap sa dalaga.
"Wala akong pakialam kung ano ang ginagawa niyo sa loob. Bagay kayo, parang mayaman siya, sexy at parang katulad mo din siya na may mataas na pangalan. Kaya bumalik ka na duon. Baka naka disturbo pa ako sa inyo. Bitawan mo na ako, uuwi na ako sa bahay. Sorry ulit Kuya kung pumunta ako dito." Wika ni Jing na umiiyak. Dati naman kapag may makita si Jing na may kasamang babae si Harvey parang wala naman ito sa kanya. Minsan nga nakita niya pa ito nuon na may ka akbay na babae. Pero baliwala lamang ito sa kanya. Pero bakit kanina parang sinaksak ang kanyang dibdib sa sobrang sakit. Gusto niya, siya lang ang hahawak kay Harvey. Lihim naman na napangiti si Harvey na parang tungog selos ang sinasabi ni Jing. Kaya dahan-dahan niya pinaharap si Jing sa kanya at sinalubong niya kaagad ito ng mapusok na halik sa labi. Nagpupumiglas pa si Jing dahil baka may maka kita sa kanila. Ngunit ayaw siyang pakawalan ni Harvey. Kahit sinuntok niya ito sa dibdib pero hindi manlang natinag. Parang siya pa nga ang nasaktan sa sobrang tigas ng dibdib ng binata. Hanggang sa tumigil si Harvey ng hindi na makahinga si Jing. Pinagdikit niya ang kanilang noo at pinahiran ang luha ng dalaga.
"Diba sinabi ko sa'yo!? Na kapag tinawag mo akong Kuya, kahit nasa harapan tayo ng maraming tao. Hahalikan talaga kita, kaya tawagin mo pa ako ulit na Kuya. Parusahan na kita. Saka huwag ka nang umiyak. I'm sorry!" Malumanay at malambing na wika ni Harvey. Kaya pinaningkitan siya ni Jing ng mata habang naka nguso ito. Umiwas siya ng tingin dahil ayaw niyang harapin ang binata sapagkat naiinis pa rin siya sa nakita kanina sa loob ng opisina.
"Bumalik ka na sa opisina mo. Uuwi na ako." Sungit-sungitan na saad ni Jing kay Harvey. Ngunit niyakap lang siya ng binata at hinalikan sa noo.
"Panay ang yakap at halik mo sa akin. Baka mapunta sa akin ang germs ng babae mo. Kaya huwag kang yayakap at halik sa akin. Kung hindi pa ako pumunta dito. Hindi ko pa nalalaman na may iba ka palang pinagkaabalahan maliban sa trabaho mo." Wika ulit ni Jing. Sapagkat nagseselos talaga siya kanina sa nakita.
"I'm sorry baby girl. Hindi ko alam na gagawin niya sa akin 'yun. I'm busy reading documents para matapos ko kaagad. Nakita mo naman nakabukas ang pintuan. Nagpaalam lang saglit ang secretary ko na gumamit ng banyo. Kaya I'm sorry na. Wala akong ibang gustong yakapin at halikan kundi ikaw lang. Kaya huwag ka nang mag selos. Ang cute mo pala magselos. Lalo akong na inlove sa'yo." Nakangiti na wika ni Harvey. Bigla naman namula ang buong mukha ni Jing. Dahil totoo siguro na nag seselos siya. Kaya tinaasan nalang ni Jing nang isa niyang kilay si Harvey dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
"Let's go back baby in my office. Saka bakit ka pala nandito? Wala ba kayong klasi? Bakit hindi mo ako tinawagan, sana sinundo kita?" Naalala ni Harvey sapagkat alas onse pa lamang ng umaga. Pero may kung anong saya naman siya na naramdaman sa kanyang puso na pinuntahan siya ng dalaga. Napansin rin minsan ni Harvey na clingy na rin si Jing sa kanya. Kaya pakiraramdam ni Harvey mahal na rin siya ni Jing. At umiyak pa ito kanina ng makita niya na may kasamang babae ang binata.
"Half day lang ang klasi namin. Kaya balak kong bisitahin ka at gusto din kita i-surprise sana. Kaso ako pala ang na surprise." Wika ni Jing na hindi makatingin ng deritso kay Harvey. Kaya muling hinapit ni Harvey ang baywang ng dalaga at hinalikan muli sa kanyang labi.
"You know that I'm so happy na pumunta ka dito. Don't get jealous and mad at me. I love you, Kaya sorry na. Ikaw lang ang babae ko, baby girl." Biglang nawala ang selos at tampo ni Jing kaya ngumiti ito at sinabi na babalik na sila sa loob para tapusin ang kanyang ginagawa. Binigyan muna ng mabilis na halik ng binata si Jing at magka hawak kamay silang bumalik sa opisina. Nakita na ni Harvey ang kanyang secretary na nakaupo na ito sa kanyang mesa. Kaya ngumiti si Jing at binati ito. Napaawang ang labi ng secretary ni Harvey ng makita niya na magka hawak kamay si Jing at Harvey. Kinilig naman ito at parang excited kung ano nga ba ang na magitan sa kanyang amo at kay Jing.
Pagpasok ni Jing at Harvey nasa loob parin si Alia. Nakaupo ito sa upuan sa harapan ng mesa ni Harvey. Matalim siyang tiningnan ni Harvey dahil sa mapa nngahas niyang ginawa kanina. Ngunit ang babae parang walang hiya na tumayo ito at malawak ang ngiti na naka tingin kay Jing mula ulo hanggang paa.
"Oh! Mabuti at mahabol mo ang kapatid mo Harvey. Hello girl!" Saad ni Alia kaya mas lalong uminit ang dugo ni Harvey sa babae. Kumuyom naman ang kamao ng Jing na parang gustong sabunutan ni Jng ang kanyang pagmumukha. Tumikhim ng malakas si Harvey at niyakap si Jing saka hinalikan niya ito sa harapan ni Alia. Napasinghap naman si Alia dahil ang akala niya kanina magagalit si Jing kapag nakita si Harvey na may kasamang babae. Ngunit heto naghalikan sila sa kanya harapan. Gustong ipakita ni Jing sa babae na sa kanya lang si Harvey kaya kumapit ito sa batok ni Harvey at tumugon rin sa halik ng nobyo. Lihim na kinilig si Harvey dahil ngayon lang gumanti ng halik si Jing sa kanya kaya naramdaman niya talaga na mahal na siya ng dalaga. Sobrang galit naman si Alia kaya kinuha niya ang kanyang bag at padabog na lumabas ng opisina ni Harvey. Kahit nakalabas na si Alia sa opisina ni Harvey hindi pa rin silang dalawa tumigil sa paghahalikan.
"I love you, baby girl!" Sambit ni Harvey nang maghiwalay ang kanilang labi ng dalaga.
" I love you too." Nahihiya na turan naman ni Jing. Nang marinig ni Harvey ang sinabi ni Jing. Binuhat niya ang dalaga at sumigaw ng malakas habang pina-ikot ikot niya ang dalaga. Sobrang saya ng puso ni Harvey na sa wakas nag I love you too na rin si Jing kanya. Binaba niya si Jing at muling nagtagpo muli ang kanilang mga labi.