JING
Mabilis ang araw limang buwan na kami bilang mag boyfriend at girlfriend ni Harvey. Sa limang buwan namin na pagiging magkasintahan wala pa naman kaming problema. Masaya din ang mga pamilya namin at mga kasamahan sa bahay. Sobrang maalaga at mapag-mahal ni Harvey sa akin kaya mas lalo ko siyang minahal. Ngunit minsan naiinis lang ako sa kanya sa sobrang seloso. Makita niya lang ako na may kausap na lalaki kaagad na magtampo. Katulad ngayon hindi ko siya pinansin dahil ng sinundo niya ako sa university. Nakita niya ako na may kausap na isang lalaki. Nagkataon lang kasi na habang hinihintay ko siya may tumabi sa akin na lalaki na hinihintay din ang kanyang sundo. Kaya kinausap niya ako dahil school mate naman kami. Nagulat ako habang kausap ko ang lalaki ng may malakas na bumusina sa aming likuran. Pag lingon ko, sasakyan pala ni Harvey. Kaya nagpaalam ako kaagad sa aking kausap. Pagpasok ko sa loob ng kanyang sasakyan wala siyang imik sa akin. Hindi niya manlang ako binati kagaya ng parati niyang ginagawa sa akin. Pero may nakita akong bulaklak sa kanyang tabi ngunit hindi niya binigay sa akin. Kaya sa inis ko hindi ko din siya pinansin. Ngunit habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Binigay niya s akin ang bulaklak ngunit hindi nagsalita. Kaya hindi ko kinuha at tinuon ang aking paningin sa labas. Napansin ko nalang na huminto na pala ang kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada.
'Im sorry baby, nagselos lang ako. I'm sorry! Please tanggapin mo na. Para talaga sa'yo 'yan sweetheart." Nangunot ang noo ko na humarap sa kanya dahil sa tinawag niya sa akin. Kaya hinawakan niya ang aking kamay at dinala sa kanyang bibig upang halikan.
"For now on, I will call you sweetheart and baby girl. So please im sorry for my action. I love you baby girl." Saad niya ulit. Ngunit tinalikuran ko lamang siya, ngunit kinuha ko naman ang bulaklak. Naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa aking baywang.
"Alis na tayo. I need to rest. Marami kaming ginawa na activities sa school." Walang buhay na sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at maya-maya pinaandar niya muli ang kanyang sasakyan upang mag maneho.
"You want to eat baby? What do you want? I will buy." Malumanay na tanong niya sa akin. Ngunit hindi ko pa rin siya sinagot. Naisip ko bigla na kapag ganito siya palagi na sa tuwing may makita siya na lalaki na kausap ko bigla nalang siyang magalit. Pakiramdam ko parang wala siyang tiwala sa akin. Kaya pinalakas ko ang aking loob at humarap sa kanya.
"Wala ka ba'ng tiwala sa akin Harvey? Bakit sa tuwing makita mo na may kasama o kausap ako na lalaki magalit ka nalang bigla? Ikaw ba, kapag nakita kita na may kasamang babae nagagalit ba ako?" Malamig na turan ko sa kanya. Napalunok siya at tinabi ulit ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"I'm sorry baby girl. May tiwala ako sa'yo. Pero sa mga lalaki wala. Mahal kita kaya gusto kitang protektahan. I'm sorry kung napa sobra ako. Hindi ko lang talaga maiwasan. Promise I will control my self now. Please don't mad at me. I'm sorry again baby girl." Aniya at hinalikan ang aking kamay ng paulit-ulit.
"Ulitin mo pa 'yun, hiwalayan na talaga kita. Saka bakit hindi mo kaagad binigay sa akin ang bulaklak? Hindi mo manlang ako binati." Saad ko at bigla nalang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kong bakit. Pakiramdam ko kasi kunting kasalanan ko lang sa kanya iiwan niya na ako kaagad. Pwedi niya naman ako kanina halikan at ibigay ang bulaklak kahit nagselos siya. Pero pinatagal niya pa bago ibigay sa akin. Narinig ko ang pag click ng kanyang seatbelt tanda na inalis niya sa kanyang katawan ganun din sa akin. Kaagad niya akong binuhat at pinaupo sa kanyang kandungan. Mabuti nalang malawak ang loob ng kanyang sasakyan kaya kasya kaming dalawa sa driver seat. Saka hindi kami makita sa labas dahil tented ang kanyang sasakyan. Hinaplos niya ako sa pisnge at pinahiran ang aking luha.
"I'm sorry, promise hindi na mauulit. I love you. Please stop crying. I'm just jealous if i saw you with another guy. I can't help to make jealous. Sobrang ganda mo kasi." Malambing na sabi niya s akin. Sabay halik sa aking labi. Napanguso at inirapan ko lamang siya dahil hindi pa rin mawala ang tampo ko sa kanya. Akmang aalis na ako sa kanyang kandungan ng humigpit ang kapit niya sa aking baywang. Napunta kaagad ang kanyang kamay sa aking likod kaya nagdikit ang aming katawan.
"I'm sorry baby girl. Please forgive me sweet heart. I love you!" Wika niya at hinalikan ako sa aking noo at magkabilang pisnge. Ngunit hindi ko pa rin siya sinagot at sumubsob sa kanyang balikat sabay kagat. Nanggigil talaga ako sa kanyang ginawa kaya naisipan kong kagatin ang kanyang balikat. Napaaray naman siya ngunit hinayaan niya lamang ako ng kinagat ko siya muli. Pagkatapos hinawakan niya ako sa aking mukha upang magpantay kaming dalawa.
"You forgive me, already baby girl? Sige pa kagatin mo pa ako kung 'yun ang gusto mo'ng parusa sa akin upang matanggap mo ang sorry ko." Malumanay na sabi niya sa akin. Pero hindi niya binitawan ang paghawak niya sa aking baywang.
"Uwi na tayo. I want to rest." Ani ko sa kanya.
"Marami ba talaga kayong ginawa kanina? Hindi ba pwedi na dalhin sa bahay at duon nalang gawin? nang sa ganun matulungan." kita." Aniya sa mahinang boses. Sumubsob ulit ako sa kanyang balikat at umiling. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay na humahaplos sa aking likod. Sa ganung paraan medyo gumaan ang aking pakiraramdam at nawala ang tampo ko sa kanya. Maya-maya inalalayan niya ako na makabalik sa aking upuan at kinalabitan ng seatbelt.
"Okay, let's go home. Magpa deliver nalang ako ng pagkain natin. Wala naman ka naman klasi bukas. Kaya sa condo ko muna tayo uuwi." Sambit niya at binuhay niya na ang makina ng kanyang sasakyan. Hindi ko na magawang magtanong pa kung bakit sa condo niya kami uuwi. Dahil naisip ko na baka mas malapit ang kanyang condo sa bahay. Sumandal nalang sa ako sa upuan habang magka hugpong ang kamay namin ni Harvey. Habang ang isang kamay niya ay nagma maneho.
"Kamusta ang trabaho mo? Wala na ba'ng babae na anak ng business partner mo na pumupunta sa'yo." Sungit-sungitan na tanong ko sa kanya. Bigla ko lang naalala ang babaeng naabutan ko nuon n'ong last akong nagpunta sa kanyang opisina. Humarap siya sa akin at pinisil ang aking ilong. Saka bumalik ang paningin niya sa daan.
"Wala na baby girl. Saka inalis ko na rin ang Daddy niya bilang investor. Pina ban ko na rin siya sa aking kompanya. Saka ikaw lang ang babae na pwedi makapasok sa opisina ko. At tungkol sa work ko. So far so good basta nan'dyan ka lang palagi sa akin. Ikaw ang inspiration ko sa araw-araw. I love you." Malambing niyang sabi kahit nasa daan nakatingin. Kaya lalong nawala ang pagtatampo ko sa kanya. Yumakap ako sa kanyang braso kaya parang nagulat siya sa aking ginawa.
"You're forgiven, Basta promise mo na huwag ka na basta-basta magselos. Alam mo na naman na mahal kita. Kaya wala akong ibang lalaki kundi ikaw lang. At hindi naman ako naglilihim o nagsinungaling sa'yo. Sana ganun ka rin sa akin Harvey. Sana wala ka'ng tinatago na secret s akin." Wika ko habang nakayakap pa rin sa kanyang braso. Narinig ko siya na malakas na bumuntong hininga.
"Promise baby girl. Sasabihin ko sa'yo ang lahat at wala akong secret na itatago sa'yo. Basta lagi mo'ng tandaan na ikaw lang ang babae na gusto ko makasama habang buhay. Kung pwedi nga lang sana na magpakasal na tayo ngayon, gagawin na natin. Pero hintayin kita na makatapos ka dahil 'yun ang sinabi ko sa ating mga pamilya. And I'm really respect at love you Jing. Sana kung ano man ang mangyari in the future lagi mo'ng tandaan na mahal na mahal kita." Seryuso na saad ni Harvey. Naguguluhan ako sa kanyang mga sinabi na parang may ibig sabihin. Magsasalita pa sana ako ngunit nasa tapat na pala kami ng building ng kanyang condo. Nauna siyang lumabas at umikot papunta sa aking pwesto. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan niya akong makalabas sa kanyang sasakyan. Napatili pa ako ng malakas ng bigla niya akong binuhat na parang bridal style. Aalagaan niya daw ko sa buong weekend kaya dito niya ako dinala dahil kanyang condo para ma solo niya ako. Nahihiya pa ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao pagpasok namin sa loob. Ngunit parang walang pakialam si Harvey at deritso lang ang kanyang lakad papasok sa elevator.
"Harvey, ibaba mo ako. Nandito naman tayo sa elevator. Saka hindi ka ba nabibigatan sa akin? Hindi ka ba napagod sa buong maghapon sa trabaho mo." Tanong ko sa kanya malapit sa kanyang tainga. Mahigpit din ang kapit ko sa kanyang leeg. At mahigpit din ang hawak niya sa aking katawan.
"Hindi ako mapapagod na alagaan ka baby girl. Kaya kumapit ka lang sa akin. Hindi kita bibitawan ano man ang mangyari." Nangunot ang aking noo dahil tunog lyrics ang kanyang sinabi. Pero lihim pa rin akong kinilig. Pagbukas ng elevator malaki ang hakbang niya papunta sa pinto ng kanyang condo. Alam ko naman ang code dahil ilang beses na rin akong nakapunta dito kaya ako na ang nag pindot para bumukas ito. Pagpasok namin sa loob binaba niya ako sa couch sa sofa.
"Salamat, sweetheart." Ani ko sa kanya. Hindi ko alam kong bakit 'yun ang lumabas aking bibig. Kaya kaagad niya ako'ng siniil ng halik sa labi. Ilang segundo pa na magkahugpong ang aming mga labi hanggang sa tumigil kami sa paghahalikan.
"I really like it when you call me sweetheart baby girl. I love you so much. For now on I want you to call me by our endearment baby. Mas lalo akong ginanahan sa pagtrabaho. Kung may maganda, sweet at malambing akong girlfriend. Lalo na sobrang inosenti." Nakangiti na sabi niya akin. Kaya napanguso ako tinaasan ko siya ng aking kilay sa sinabi niyang inosenti. Sinabi niya kasi minsan na kahit anong pang-aakit niya sa akin parang baliwala lang sa akin. Saka kapag nasa restaurant kami kapag may kumausap sa kanya na babae parang okay lang sa akin. May tiwala naman ako sa kanya at alam ko naman ang mga babae na gusto siyang akitin at hindi kaya hinayaan ko nalang kapag pormal naman na makipag usap sa kanya ang mga babae. Maliban lang kung kagaya ni Alia. Dahil kahit saan pa sila kung maramdaman niya na inaakit na ang kanyang boyfriend hinding-hindi talaga siya manahimik. Dahil ang kay Jing ay kay Jing lamang.