THIRD PERSON
"Harvey na ayos mo na ba ang problema mo kay Sampaguita? Sinabi mo na ba ang kay Jing ang tungkol sa inyo ni Sampaguita? Saka alam na ba ni Jing na palaging pumupunta at nagkikita kayong dalawa." Tanong ng ni Arvey kay Harvey habang magkausap sila sa cellphone. Naguguluhan at natatakot naman si Harvey na baka kapag malaman ni Jing ay iiwanan siya nito. Ilang beses na rin sinabi ni Harvey kay Sampaguita na may iba siyang gusto at kapatid lang talaga ang turing ni Harvey sa kanya. Ngunit ayaw pa rin tumitigil ni Sampaguita. Palaging sinabi ni Sampaguita ang pina-ngako sa kanya nuon ni Harvey na pakasalan siya nito at suot pa rin ang sing-sing na binigay niya nuon. Nagulat nalang si Harvey na bigla nalang sumulpot si Sampaguita sa opisina nito. Natatakot din si Harvey na baka makilala ni Sampaguita si Jing ay guluhin niya ito at baka maka distract sa pag-aaral ng nobya. Limang buwan nalang matatapos na ni Jing ang kanyang college. Kaya ayaw muna ni Harvey bigyan ng problema si Jing para makapag concentrate siya sa kanyang pag-aaral. Mabuti nalang busy si Jing kaya hindi na siya muli nakapunta sa opisina ni Harvey. Malakas na bumuntong hininga si Harvey bago sinagot si Arvey.
"Not yet Kuya. Ayaw ko muna magka problema si Jing dahil busy siya sa kanyang pag-aaral. Pero Kuya kapag tapos na ang exam niya. Sasabihin ko sa kanya ang lahat. Natatakot din ako na baka makilala siya ni Sampaguita at guluhin. Saka naghahanap na rin ako ng tyempo na sabihin kay Jing." Paliwanag ni Harvey kay Arvey . Narinig nalang ni Harvey na nagpakawala ng malakas na hininga si Arvey
"Harvey sana maayos mo 'yan ng maaga. Hindi lang si Jing ang makalaban mo pati si Esme. At pag nagkataon hindi kita matutulungan alam mo naman na mahal ni Esme si Jing. Kaya sana bago pa malaman ni Jing sa iba. Mag tapat ka na sa kanya bago mahuli ang lahat. Dahil pareho kayo ni Jing na masasaktan." Paliwanag ni Arvey kay Harvey. Marami pa'ng sinabi si Arvey kay Harvey bago sila nag paalam sa isa't-isa. Sapagkat narinig na ni Harvey ang boses ni Esme. Pagkatapos mag-usap ni Arvey at Harvey. Sumandal si Harvey sa kanyang upuan at pumikit. Iniisip niya kung sasabihin niya ba kay Jing o pagkatapos nalang ng graduation niya. Nasa malalim siyang pag-iisip ng makarinig siya na bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Pero hindi niya nagawa na mag mulat ng kanyang mga mata.
"Harvey Sweetheart. Good afternoon!" Narinig ni Harvey ang boses ni Sampaguita kaya bigla naman siyang nainis. Kung hindi lang na isip ni Harvey na malaki ang utang na loob niya dito. Matagal niya na itong pina ban sa kanyang opisina. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago nag mulat ng kanyang mga mata.
"Sampaguita what are you doing here? I'm busy with my works. And please stop calling me sweetheart. I already tell you! that you are, just a sister to me. Nothing else! So please stop calling me like that." Naiirita na wika ni Harvey. Ngunit parang walang narinig si Sampaguita dahil lumapit pa rin siya kay Harvey.
"Happy anniversary sweetheart. Alam kong naguguluhan ka lang. Pero di ba nag promise ka sa akin na pakasalan mo ako kapag nakatapos na ako sa aking pag-aaral? Kaya minabuti ko ang aking pag-aaral para kapag nagkita tayo muli. Magpakasal na tayo. Hindi mo ba natandaan na ngayon ang 7th years anniversary natin? Diba ito ang araw na nangako ka at binigyan mo ako ng sing-sing? Nakangiti na saad ni Sampaguita. Kaya napahilamos na lamang si Harvey sa kanyang mukha.
"What do you want Sampaguita?" Malamig na tanong ni Harvey sa dalaga. Malawak naman ang ngiti ni Sampaguita sa tanong ni Harvey.
"I want us to have a lunch date today until tonight. Spend your day with me sweetheart." Masayang turan ni Sampaguita. Kaya nakaisip siya ng kundisyon kay Sampaguita.
"Sampaguita alam ko na malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo. Dahil kung hindi sa inyo siguro wala na ako sa mundo'ng ito at hindi ko nakita ang totoo kung mga magulang. Pero Sampaguita kapatid lang talaga ang tingin ko sa'yo. Kaya gusto ko'ng sabihin sa'yo. Na papayag ako sa gusto mo kung pagkatapos nito. Lulubayan mo na ako. Dahil may mahal akong iba at siya ang gusto kong pakasalan. Mahal kita bilang kapatid 'yun lang. Sana maintindihan mo na hindi kita Mahal." Mahabang paliwanag ni Harvey. Kaya kaagad na umuo si Sampaguita pero sa loob loob niya hindi siya maka papayag na hindi sila mai-kasal ni Harvey dahil gagawin niya ang lahat maging sila lamang ni Harvey ang maikasal. Nag finger promise pa kunwari si Sampaguita. Saka sinabi na siya ang masusunod ngayon at pagkatapos simula bukas hindi na magpakita pa si Sampaguita sa kanya. Kaya wala ng nagawa pa si Harvey kundi samahan si Sampaguita sa kanyang gusto.
Samantala maaga natapos ni Jing ang kanyang mga dapat gawin sa school kaya naisipan niya na puntahan si Harvey sa opisina nito para sabay silang kumain ng lunch. Mabilis lang nakarating si Jing sa opisina ni Harvey. Hindi niya sinabi sa nobyo para hindi na siya sunduin sa school. Pagdating niya sa tapat ng mesa ng secretary ni Harvey nagtaka si Jing dahil malinis ang mesa at kahit isang papel ay wala. Kaya dumiretso nalang si Jing sa opisina ni Harvey. Pagbukas ni Jing ng pinto wala din si Harvey sa loob. Kaya napa isip si Jing na baka nasa meeting room ito. Umupo nalang si Jing sa upuan ni Harvey para hintayin ang nobyo. Habang tumingin siya sa mga papelis sa mesa ni Harvey biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napa ngiti siya ng makita na si Harvey ang nag send sa kanya ng message. Kaagad niya itong binuksan upang basahin. Ngunit biglang nanlumo siya sa kanyang nabasa.
"Sweetheart how are you? Sweetheart I'm sorry kung buong araw na hindi kita matawagan at masundo mamaya sa school. Kailangan ko lang tapusin ang mga trabaho ko dito sa opisina. Para bukas buong araw kitang masamahan sa school. I'm sorry baby girl. Please take care of yourself while you are going home. I'm very busy in my office right now. I love you!" Basa ni Jing sa laman ng message ni Jing. Malakas na tumibok ang puso ni Jing dahil nagsinungaling sa kanya si Harvey.
"Nasaan ka?" Reply ni Jing kay Harvey. Maya-maya tumunog ulit ang cellphone ni Jing dahil nag reply kaagad si Harvey.
"In my office sweetheart busy doing with my proposal for my next project. Baby girl maybe I will turn off my phone now. I love you baby girl. What do you want later. I will buy before I'm going home." Reply ni Harvey kay Jing. Hindi na nagawa pa ni Jing na mag reply kay Harvey. Bumuhos ang kanyang mga luha dahil unang beses nagsinungaling si Harvey sa kanya. O baka matagal na siyang walang alam kay Harvey. Sa isip-isip ni Jing. Ilang minuto pa nanatili si Jing sa opisina ni Harvey at nagpasya na umalis. Naisipan ni Jing na pumunta nalang muna ng mall para mag liwaliw sa sakit na naramdaman. Gusto niya munang maglibang para makapag isip. Habang nasa loob ng taxi si Jing napaisip siya na baka may ginawa si Harvey para i-surprise siya dahil malapit na ang kanyang graduation. Kaya nawala ang tampo niya kay Harvey. Nang makarating siya ng mall pagkatapos niya magbayad sa taxi driver nagpasalamat muna siya bago bumaba. Nakangiti pa si Jing habang papasok sa loob ng mall. Naisip niya na pumunta muna sa restaurant para kumain bago mag window shopping. Wala naman siyang gustong bilhin kundi gusto niya lamang maglibang. Habang papalapit siya sa isang Chinese restaurant biglang kumabog ang kanyang puso dahil parang pamilyar ang lalaki na nakaupo sa gilid na may kasamang babae na parang sweet na sweet sila sa isa't-isa. Walang kurap na tumingin si Jing papalapit sa lalaki. Habang papalapit siya amoy na amoy niya ang kilalang-kilala niyang pabango.
"Alam mo sweetheart sobrang na-miss ko ang pagsasama natin nuon. Ang mga ginagawa mo sa akin. Kaya nga kaagad kita kanina pinuntahan sa opisina mo para sabihin na 7th years na tayo. I'm so happy now sweetheart." Narinig ni Jing na wika ng kasamang babae ni Harvey. Ngunit hindi sumagot si Harvey. Nakita ni Jing na kumuha si Harvey ng hipon saka binalatan at sinubo sa babae. Nanginginig ang tuhod ni Jing sa nakita. Hindi siya napansin ni Harvey at ng babae dahil nakatalikod ito. Hindi mapigilan ni Jing na tumulo ang kanyang mga luha. Aalis na sana si Jing nang mabangga niya ang isang waiter at nataponan siya ng mainit na sabaw sa kamay. Tudo hingi naman ng sorry ang waiter kay Jing. Nag sorry din si Jing dahil may kasalanan naman siya sapagkat hindi siya nakatingin sa kanyang nilalakaran. Kaya nakagawa ng ingay at nakatingin sa kanila Ang mga tao sa loob ng restaurant. Nanlaki naman ang mata ni Harvey ng makita si Jing, sakto pagtingin ni Jing sa kinarorounan ni Harvey nagtagpo ang kanilang paningin. Kaagad na umiwas si Jing at mabilis ang mga hakbang niya upang makalabas ng restaurant. Namumula pa ang kanyang kamay dahil na mainit na sabaw na tumapon sa kanya kanina. Tumatakbo na si Jing para lang makalabas kaagad sa loob ng mall. Hindi niya na pinapansin ang mga tao na nakatingin sa kanya. Nakayuko lamang siya dahil patuloy ang paglabas ng kanyang mga luha. Mabuti nalang paglabas niya ng mall may taxi kaagad kaya mabilis siyang pumasok at sinabi sa taxi driver na kailangan na nilang umalis.
Susundan sana ni Harvey si Jing ngunit biglang nahimatay si Sampaguita kaya mabilis niyang binuhat si Sampaguita upang dalhin sa clinic ng mall. Nang madala niya na si Sampaguita sa clinic nakiusap lamang siya sa nurse na sila muna ang bahala sa pasyente dahil may kailangan pa siyang asikasuhin. Pagka alis ni Harvey kaagad naman na bumangon si Sampaguita. Nagkatinginan lamang ang dalawang nures dahil hindi naman pala totoo na nahimatay ito.
"Piste, bullshit." Sigaw ni Sampaguita sa loob ng clinic at padabog na lumabas. Kaagad niyang tinawagan ang taong makatulong sa kanya para maisakatuparan ang kanyang pangalawang plano.