THIRD PERSON
Mabilis ang mga hakbang ni Harvey upang maabutan si Jing. Ngunit paglabas niya ng mall hindi niya na ito makita. Pa linga-linga pa siya sa paligid na baka sakaling makita niya ito pero wala talaga. Sobra siyang nag-alala kung napano ang kanyang kamay. Nakita niya kanina na umuusok pa ang sabaw na tumapon sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan sana si Jing. Ngunit naka block na siya. Kaya mas lalo siyang kinakabahan at natakot na baka hiwalayan siya ni Jing sa nakita. Nang makarating si Harvey sa kanyang sasakyan pagpasok niya pinaharurot niya ito ng mabilis upang makarating sa bahay ng mga Weinstein. Panay ang kanyang mura sa kanyang sarili kung bakit pumayag siya sa gusto ni Sampaguita. Hindi niya akalain na Makita sila ni Jing at baka nakita pa ni Jing ang pag subo niya ng hipon kay Sampaguita. Wala naman ibig sabihin sa kanya na sinubuan niya si Sampaguita dahil madalas niyang ginagawa nuon Kay Sampaguita na sa pagkaalam niya dati na magkapatid sila. Kaya kanina wala sa sarili na sinubuan niya si Sampaguita. Napahampas pa siya sa manibela dahil sa traffic. Gusto niya na kaagad makarating sa bahay ng mga Weinstein
upang kausapin at magpaliwanag
Kay Jing. Ngunit pagdating niya sa bahay ng mga Weinstein. Wala si Jing at sinabi ni Becca na hindi pa nakauwi ito. Gustong iuntog ni Harvey ang kanyang ulo sa pader. Nagtaka naman si Becca kung bakit parang problemado si Harvey. At bakit hinahanap niya si Jing dahil nasa school pa ito sa mga ganitong oras.
"Becca pwedi bang tawagan mo si Jing at tanungin kung nasaan siya?" Pakiusap ni Harvey kay Becca. Kahit naguguluhan si Becca, mabilis niya pa rin kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Jing. Mabuti at sinagot naman kaagad ni Jing. Sumenyas si Harvey na i-loud speaker upang marinig niya ang sasabihin ni Jing.
"Jing hello! kamusta? Sorry Jing, kung nadisturbo kita. Ahm! Tatanungin lang sana kita kung ano ang gusto mo'ng ulam mamayang gabi? Alam ko kasi na marami ka'ng ginagawa ngayon sa school. Kaya need mo ng maraming pagkain mamaya." Palusot ni Becca. Habang nakatingin kay Harvey. Naka hawak naman si Harvey sa kanyang baywang at hinihintay ang sagot ni Jing.
"Hello Ate Becca, Ikaw ang bahala Ate. Alam mo naman na kahit ano ang luto mo okay lang sa akin. Kahit nga tuyo at mantika lang ang i-ulam ko solve na sa akin. Saka Ate baka gabihin ako sa pag-uwi. May group study ho kasi kami na kailangan na ho bukas. Kaya baka dito na Amako kakain sa house ng classmate ko. O baka Dito na rin kami matutulog kung masyadong Gabi na namin matapos. Salamat nalang Ate Becca." Malumanay na wika ni Jing. Sumenyas ulit si Harvey upang tanungin kung saan ang bahay ng kanyang classmate. Kaya tumango naman si Becca.
"Ah! ganun ba Jing? Mag-ingat ka at huwag masyadong mag pagod Jing. Babae ba ang mga kasama mo? Saka saang lugar? At sinong classmate mo? Hindi ba dilikado d'yan Jing. At nagpaalam ka ba kay Sir Harvey." Tanong ulit ni Becca. Kaya napaisip si Jing na baka nasa bahay na si Harvey. Dahil bakit magtatanong si Becca na safe ang kanyang pinuntahan at kung babae ang mga kasamahan niya. Palagi naman siyang gumagawa ng group study at hindi naman nagtanong sa kanya si Becca.
"Ate, no need na po para magpaalam ako kay Kuya Harvey. Break na ho kami. Saka pakisabi kung nakikinig siya ngayon. Na ayaw na ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha niya at aalis na siya d'yan sa bahay. At magsama sila ng sweetheart niyang hipon. Baka ho nakulangan pa siya sa pagsubo ng hipon kanina sa sweetheart niya. Saka pakisabi Ate na kapag hindi siya aalis d'yan hindi ako uuwi. Harvey manloloko ito ang tandaan mo. Simula ngayon kalimutan ko na may nakilala akong Harvey Smith. I hate you!" Humihikbi na wika ni Jing sa kabilang linya. Napangiwe nalang si Becca habang nakatingin kay Harvey. Na nakakuyom ang kamao. Ito na ang kinakatakutan niyang mangyari na magalit si Jing sa kanya. Pero jindi siya makapapayag na maghiwalay silang dalawa ng ganun ganun na lang. Magsasalita sana si Harvey ng pinatay na ni Jing ang tawag.
"Becca paki text ako kaagad kapag dumating si Jing. Kailangan ko siyang hanapin. Wala siya sa bahay ng classmate nya dahil nagkita kami kanina sa mall. At mali ang nakita at narinig niya." Pagkasabi ni Harvey kaagad siyang bumalik sa kanyang sasakyan. Naka sunod nalang ng tingin si Becca na walang naintindihan sa mga nangyari. Napaisip din si Becca sa sinabi ni Jing na hipon at sweetheart. Sa pagkakaalam niya sweetheart ang tawagan ni Jing at Harvey. Napailing nalang siyang humakbang papunta sa kusina upang kumain ng tanghalian.
Pagpasok ni Harvey sa kanyang sasakyan kaagad niya pinaandar upang hanapin si Jing. Sobra siyang nag-alala na baka may mangyaring masama sa dalaga. Paikot-ikot siya malapit sa mall kung saan kanina Sila nagkita ni Jing. Pumunta din siya sa university ngunit naabutan lang ng alas sais ng gabi hindi niya makita ang dalaga. Kinakabahan siya dahil kahit matagal na si Jing sa America hindi niya pa rin alam ang pasikot-sikot sa kanilang lugar. Tinawagan niya rin si Becca upang tanungin kung nakauwi na ba si Jing ngunit hindi pa rin. Kaya nag-alala na siya sa dalaga kung saan ito nagpunta. Iniisip niya din na magalit si Esme sa kanya kapag sinaktan niya si Jing. Kaya habang nagmamaneho siya Hindi niya mapigilan na batukan ang kanyang ulo at sumigaw ng malakas. Hindi niya rin mapigilan na tumulo ang kanyang luha.
Samantala nanatili lamang si Jing sa isang park kung saan siya kanina dinala ng taxi driver. Nakiusap kasi si Jing na gusto niyang pumunta sa lugar na tahimik kaya hinatid siya ng taxi driver sa isang park na kadalasan mga bata lamang ang naglalaro. Nagpasalamat si Jing na mabait ang driver ng taxi. Hindi niya pa rin kasi kabisado ang pasikot-sikot sa kanilang lugar. Tanging bahay at school lamang siya kahit kasama niya pa nuon si Remy. Pagkaupo ni Jing sa upuan hindi niya na mapigilan na bumuhos ang kanyang mga luha. Humahapdi na rin ang kanyang kamay na napaso kanina ng mainit na sabaw. Habang umiiyak siya tumawag si Becca. Kaya kinalma niya muna ang kanyang sarili upang sagutin ang tawag. Pagkatapos nilang mag-usap ni Becca at nasabi ang dapat niyang sabihin para kay Harvey kaagad niyang pinatay ang kanyang cellphone. Umiyak naman siya ng umiyak. Hindi niya akalain na pinaglaruan lamang pala siya ni Harvey. Pitong taon na pala siyang may girlfriend. Sobrang sakit sa kanyang pakiramdam na niloko at nag sinungaling si Harvey sa kanya. Na parang pinaglaruan lamang siya. Kaya pala palagi niyang sinasabi na inosenti siya, 'yun pala inosenti talaga siya. Sapagkat wala siyang ka malay-malay na niloloko lang pala siya nito. Kung saan mahal na mahal niya na ang binata. Namumugto na ang mga mata ni Jing sa walang tigil na pag-iyak. Nang biglang siyang nakaramdam na sumikip ang kanyang dibdib. Napahawak si Jing sa kanyang dibdib ng biglang kumirot ito na parang hindi siya makahinga. Biglang kinabahan si Jing dahil pakiramdam niya iba ang sakit ng kanyang dibdib. Muntik na siyang matumba sa kanyang kinauupuan at nag dilim ang kanyang paningin. Mas lalong sumakit ang kanyang naramdaman na sakit sa kanyang puso. Hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil walang tao siyang nakita sa park. Kaya wala siyang mahingian ng tulong. Hinahaplos niya ang kanyang dibdib upang maibsan ang sakit na kanyang naramdaman. Ngunit mas lalo lamang nakaramdam ng kirot si Jing. Muntik na siyang mahulog sa upuan ng may humawak sa kanyang balikat at binuhat siya ng lalaking tumulong sa kanya. Hindi na alam ni Jing kung ano pa ang susunod na nangyari dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay sa bisig ng lalaki.