CHAPTER TEN

1846 Words
THIRD PERSON Mabilis ang mga hakbang ni Dr. Peter habang buhat niya ang babae na walang malay. Mabuti nalang talaga naisipan niya na dumaan muna sa park malapit sa kanyang clinic. Sobrang pagod niya sa buong araw dahil marami siyang naging pasyente. Kaya naisipan niya muna maglakad lakad sa park. Bago bumalik sa kanyang sasakyan para umuwi. Habang naglalakad siya napatingin siya sa dulo ng may nakita siyang babae na nakaupo sa na parang umiiyak. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa babae. Nag-alala din kasi siya na madilim na rin at isa lamang ang babae. Ngunit habang papalapit siya napansin niya na parang hinawakan ng babae ang kanyang dibdib na mukha nasasaktan. Kaya mabilis ang kanyang hakbang upang makarating kaagad sa babe. Sakto naman ng maka lapit siya ng muntik ng mahulog ang babae sa kanyang kinauupuan. Mabuti nalang mabilis ang kanyang kilos at nahawakan niya ang babae sa balikat. Nagulat pa siya ng nawalan ito ng malay at namumugto pa ang kanyang mga mata. Pagdating ni Peter sa kanyang clinic kaagad niyang hiniga sa kama ang babae. Isa siyang Doktor ng mga bata (Pediatrician) Pinagmasdan niya ito, sobrang ganda ng babae pero nagtaka si Peter kung bakit mag-isa lamang at umiiyak pa ito. Pagkatapos ma check ni Peter ang vital sign ng dalaga. Umupo muna siya sa upuan habang hinihintay na magising ito. Sobra lang sa pag-iyak ang babae kaya nawalan ng lakas kaya nahimatay ito. Hindi ma-alis ni Peter ang kanyang paningin sa dalaga. Sobra siyang nagandahan dito. Marami naman siyang nakita na magandang babae ngunit kakaiba ang babae ngayon sa kanyang paningin. Bigla din tumibok ng malakas ang puso ni Peter. Kakaiba ngayon sa kanyang pakiramdam. Aaminin niya 27 years old na siya ngunit hindi pa siya nakapag girlfriend dahil parang hindi niya pa nakita ang babaeng nagugustuhan niya. Ngunit nang makita niya ang dalaga parang nag iba ang t***k ng kanyang puso. Kumurap-kurap si Peter dahil hindi tama na magustuhan niya ang babae na ngayon niya lang nakita at mukhang bata pa ito. Sa tingin ni Peter parang nag-aaral pa ito. Ilang minuto na paghihintay ni Peter nagising na rin si Jing Pagmulat ng mata ni Jing nagtaka siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid. Bigla siyang kinabahan kaya bigla siyang napabalikwas ng bangon. Hindi niya napansin ang lalaki na kanina pa nakatingin sa kanya. Aalis na sana siya sa kama nang makarinig siya ng tikhim sa gilid ng kama. "Hello, you're safe here. What do you feel. Are you feel better now?" Mahinahon na tanong ni Peter. Hindi naman agad nakasagot si Jing dahil naalala niya na nahimatay pala siya kanina at natandaan niya na ang lalaki ang tumulong sa kanya. "Ahm! Thank you po. I'm sorry if I disturb you earlier. But I'm fine now. Thank you so much." Wika ni Jing na nakayuko. Nang marinig ni Peter ang boses ng dalaga mas lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Ngunit mas pinilit niyang kumalma baka matakot ang babae sa kanya at parang Pinoy ang boses. "Pinay ka ba? Okay lang hindi ka naman naka disturbo sa akin. Mabuti nalang nakita kita kanina. Saka saan ka ba dito. Ihahatid na kita, gabi na rin. Alas otso ng gabi na." Malumanay na wika ni Peter. Nang marinig ni Jing na gabi na pala bigla siyang kinabahan na baka nag-alala na si Becca sa kanya at baka tumawag pa kay Esme. Kaya mabilis na bumaba si Jing sa kama. Akmang lalabas na sana siya ng pinigilan siya ni Peter. "I'm Dr. Peter Mondragon. Huwag ka munang kumilos ng mabilis baka mahimatay ka ulit. Don't worry ihahatid kita sa inyo. Hindi ako masamang tao. Saka matagal ka na ba dito sa U.S?" Malumanay ulit na tanong ni Peter. Nahihiya naman na humarap si Jing kay Peter. Sa tingin niya mabait naman ito. "I'm sorry po. I'm Jing Garcia. Dito po ako pinag-aral ng Ate ko. Actually hindi ko siya totoong kapatid. Nakita lang siya nuon ng mga magulang ko na palutang-lutang daw sa tubig kaya tinulungan ng mga magulang ko. Nang makita si Ate ng kanyang mga totoong pamilya tinulungan kami ni Ate. Kaya dito niya ako pina-aral. Dalawa kami dito nuon ng Kuya ko. Ngunit ng makatapos ang Kuya ko. Bumalik siya ng Pilipinas para duon mag trabaho sa kompanya ni Ate " Magalang na paliwanag ni Jing. Lihim naman na napangiti si Peter dahil maganda na nga, mabait pa. Nilahad ni Peter ang kanyang kamay kay Jing upang makipag kamay dito. Mabilis naman na tinanggap ni Jing. Ngunit nagulat si Jing ng biglang binitawan ni Peter ang kanyang kamay. Nakaramdam si Peter ng parang may kuryente na dumaloy sa kanyang kamay ng maglapat ang kanilang kamay ni Jing. Sobra na talaga siyang nagtataka sa kanyang sarili. Sapagkat hindi naman siya ganito sa ibang mga babae "Ahm! Kuya, pwedi na ba akong umuwi? Baka hinahanap at nag-alala na ang mga tao sa bahay at malaman pa ni Ate." Wika ni Jing. Napa balik si Peter sa tamang wesyo ng magsalita si Jing. Nakatulala na pala ito sa dalaga. Ngunit bigla siyang napangiwe ng tinawag siyang Kuya. Parang pangit sa kanyang pandinig. Kaya napahilot nalang siya sa kanyang batok. Kinuha niya nalang ang kanyang jacket at niyaya na si Jing na lumabas. Nang ma lock niya na ang pinto ng kanyang clinic. Pumunta na sila sa kanyang sasakyan. Sinabi ni Jing kung saan siya umu-uwi. Mabuti at alam naman ni Peter. Natakot din si Jing dahil hindi niya talaga kabisado ang Lugar. Habang nasa byahe sila nag kagaanan sila agad ng loob. Pakiramdam ni Jing mayruon siyang Kuya. Kaya masaya silang nag-uusap habang nasa byahe. Nakalimutan saglit ni Jing ang sakit na naramdaman sa nangyari kanina. Mabuti nalang hindi nagtanong si Peter kung bakit siya nandun sa park at umiiyak. Medyo mugto pa nga ang kanyang mga mata. Habang nasa kalagitnaan sila ng byahe naalala ni Peter na tanungin si Jing. "Jing, how old are you? Saka anong year kana?" Tanong ni Peter habang nasa daan nakatingin. "I'm 23 Kuya, saka pasensya po kung Kuya ang tawag ko sa'yo. Para kasing katulad ka ng Kuya ko. Saka Doktor kana kaya naisip ko na matanda ka na sa akin. Saka maraming salamat ulit kanina Kuya. Mabuti nalang nandun ka rin sa park. Kung hindi mo siguro ako nakita kanina, baka ngayon pinaglalamayan na ako." Biro na sabi ni Jing. "Don't say that again Jing. Masamang biro 'yan. Saka yes pwedi mo akong maging Kuya. Kaya kung sakaling magka problema ka huwag kang mahiya na tawagan ako. Saka kailangan mo'ng magpa check up sa Doktor ng mga puso. Sa tingin ko kanina sa'yo. May naramdaman ka sa puso mo. Kaya mas maaga dapat magpa check up ka. May kilala akong Doktor, pwedi kitang samahan." Saad ni Peter. Kaya naisipan din ni Jing na magpa tingin dahil kakaiba talaga kanina ang sakit na kanyang naramdaman sa puso. Patuloy lamang sila sa pag-uusap, niyaya pa siya ni Peter na kumain muna. Pero tumanggi siya dahil wlaa siyang gana, kahit hindi siya kanina naka kain ng lunch hindi pa rin siya nakaramdam ng gutom. Nag-usap na Lang sila muli hanggang sa hindi napansin ni Jing na tumigil na ang sasakyan ni Peter sa labas ng bahay ng mga Weinstein. Kung hindi sinabi ni Peter. Hindi napansin ni Jing. Alas nuebe na rin ng gabi kaya gusto man sana yayain ni Peter si Jing ngunit nahihiya siya na baka tulog na si Becca. Bago lumabas si Jing binigyan siya ni Peter ng calling card. Nagpasalamat ulit si Jing bago bumaba ng sasakyan ni Peter. Hinintay muna ni Jing na makaalis ang sasakyan ni Peter bago sana pumasok sa loob. Ngunit nagulat siya ng makita si Harvey na bumaba sa kanyang sasakyan. Inirapan niya lamang ito at tinalikuran. Ngunit hindi pa siya nakahakbang ng may pumulupot na bisig sa kanyang baywang. Sobrang nag-alala si Harvey dahil alas nuebe na nga gabi hindi pa rin umuwi si Jing at naka off pa ang kanyang cellphone. Kaya nanatili lamang siya sa loob ng kanyang sasakyan. Hanggang sa may dumating na kotse sa harapan ng bahay. Sobra ang pag-pigil niya na hindi sugurin ang lalaki na kasama ni Jing. Inaalala niya na baka mas lalo lang magalit sa kanya ang nobya. Kaya hinintay niya muna na makaalis ang sasakyan bago lumabas sa kanyang sasakyan. Napansin niya na mugto ang mata ng dalaga. Inirapan lamang siya nito at akmang papasok na sa loob ng bigla niya itong niyakap ng mahigpit sa baywang. "I'm sorry, baby girl. Please let me explain. I'm sorry kung nag sinungaling ako sayo. Ayaw lang kitang masaktan. Pero maniwala ka, mahal kita at ikaw lang ang babaeng mahal ko. I'm sorry sweetheart." Sambit ni Harvey. "Talaga ba, na ayaw mo akong masaktan?" Sarkatisko na tanong ni Jing Bitawan mo ako, ayaw ko ma stress sa exam ko. Kaya please kahit limang buwan lang ayaw muna kitang makita. Break na tayo. Ayaw ko sa mga taong pinaglaruan lamang ako. Ginawa mo akong tanga, Harvey. Kung hindi pa ako pumunta sa opisina mo kanina naniwala ako na marami ka'ng trabaho. Na pagod ka. 'Yun oala pagod ka sa ibang babae. Marami ka'ng trabaho sa babae mo. Ayaw na kitang makita o makausap. Si please let me go." Umiiyak na wika ni Jing. Hindi niya rin mapigilan na sigawan si Harvey. Ngunit umiling lamang si Harvey at mas humigpit ang yakap niya sa baywang ni Jing. Nagulat din siya na pinuntahan pala siya ni Jing sa kanyang opisina. Napaka gago niya, kung sinabi niya nalang sana ang totoo kay Jing. Siguro hindi sila magka ganito ngayon. "Baby girl I'm sorry! Hindi ko kaya na mawala ka. I'm sorry baby girl. Please hindi tayo maghiwalay. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. Please sweetheart, I love you Jing." Pakiusap ni Harvey. Ngunit umiling si Jing. Kaya mo Harvey na mawala ako sa'yo. Dahil kung Hindi mo kaya, Hindi ka nagsinungaling sa akin. Bitawan mo ako, kung gusto mo'ng patawarin kita. Bitawan mo ako at umalis ka na dito. Ayaw na kitang makita. Kailangan ko pa na mag concentrate sa exam ko. Kaya please balikan mo na ang sweetheart mo. Ang kapal mo Harvey pinag mukha mo akong tanga. Sweetheart ang tawag mo sa akin. Tapos sweetheart din ang tawagan niyo ng babae mo'ng hipon. Kaya mas mabuti na hindi na tayo magkita pa. Bitawan mo na ako." Umiiyak na wika ni Jing. Pero ayaw pa rin bumitaw ni Harvey. Nagpupumiglas na si Jing upang maka wala sa yakap ni Harvey. "Isa, Harvey. Kapag hindi mo ako binitawan habang buhay kitang hindi mapatawad. Saka gusto ko nang magpahinga." Malamig na turan ni Jing. "Gagawin ko ang gusto mo. Ngunit hindi ibig sabihin na pumayag Ako sa gusto mo. Hindi tayo maghiwalay. Mahal kita, tandaan mo sana baby girl." Unti-unting lumuwag ang pagyakap ni Harvey sa baywang ni Jing. Kaya nagkataon na makaalis si Jing at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay. Naiwan si Harvey na umiiyak at nakatulala. Sinabunutan niya ang kanyang buhok sa sobrang galit kay Sampaguita at sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD