THIRD PERSON Pagpasok ni Jing sa loob ng bahay deritso lamang ang kanyang hakbang na nakayuko habang umiiyak. Nakatingin lamang sa kanya si Becca at Hazel. Wala pa silang alam tungkol sa nangyari kay Harvey at Jing ngunit nahulaan na nila na may problema ang dalawa. Gusto man sana nilang kamustahin ang dalaga ngunit hinayaan na lamang muna nila. Napatingin sila ulit sa pinto ng pumasok din si Harvey na umiiyak din habang nakasunod kay Jing. Kaya nagkatinginan ang dalawa saka pumasok na lamang sa kanilang kwarto. Mabilis ang mga hakbang ni Harvey upang kausapin ulit si Jing. Hindi niya talaga kaya na matutulog sila na hindi sila nagkaayos ni Jing. Nang mapansin ni Jing na nakasunod sa kanya si Harvey lakad takbo ang ginawa niya para lang makarating sa kanyang silid. Nang makarating siya

