THIRD PERSON "Jing iha, huwag mo'ng kalimutan inumin ang mga gamot mo. Kapag nakaramdam ka ng paninikip ng dibdib huwag ka'ng mahiya na tumawag o pumunta dito. Saka need mo every month bumalik dito sa akin. Para ma check up natin ang progress tungkol sa naramdaman mo sa puso. Payo ko sa'yo na ipaalam mo sana sa pamilya mo. Hindi biro ang sakit mo. Need nila na alagaan ka. Pero sa ngayon kung maintain ang pagpa check up at pag inum mo ng gamot baka maagapan ang paglala ng sakit mo sa puso. Basta iwas stress and eat healthy foods. Saka huwag masyadong mag buhat ng mga mabigat na bagay para maiwasan ang ang paninikip ng dibdib mo." Mahabang paliwanag ni Doktor Jones kay Jing. Isang linggo matapos ang nangyari sa kanila ni Harvey na may hindi sila pagkaka intindihan. Hindi na muli nagpakita

