LUCAS’S POV Hindi ako mapakali dito sal abas ng delivery/operating room, kung saan nasa loob si Maxine dahil bigla siyang dinugo kanina. Hindi ko alam na buntis si Maxine, ngunit hindi ko sigurado kung ako ang ama ng bata. Dahil alam kong may nangyari din sa kanila ni Gabriel. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nangyari kay Maxine. Si Maxine lang ang makakasagot sa katanungan ko, dahil siya ang nakakaalam kung sino sa amin ni Gabriel ang ama ng bata. Lumipas ang oras ay lumabas na rin ang doctor na tumingin kay Maxine. Sinalubong ko ito at hindi na ako nagdalawang isip na magtanong. “Doc, kumusta po ang asawa ko?” Ngumiti ang doctor at diretsong tumingin sa akin. “Mr. Buenaventura, maraming dugo ang nawala sa asawa mo. Kaya

