MAXINE’S POV Katatapos lang namin magniig ni Lucas nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. At dahil nakatulog si Lucas ay ako na ang sumagot sa tumatawag sa kanya. ‘‘Hello, sino ‘to?’’ tanong ko nang sagutin ko ang tumatawag kay Lucas. Narinig ko ang paghinga nang malalim mula sa kabilang linya bago ito nagsalita. “Hello, nasaan si Pareng Lucas?!” galit na tanong ng lalaki mula sa kabilang linya. ‘‘Natutulog siya, eh! teka sino ba ‘toh?!’’ tanong ko na may kasamang inis. ‘‘Si Denver ‘toh! Pakisabi sa mgaling mong nobyo, gawiin niya ang obligasyon sa pinsan ko! Hindi ‘yong basta lang niyang aanakan at tatalikuran ang bata! Lumalaki na lang lahat-lahat ang anak niya kay Bianca, ni singkong duling. . . wala siyang ibinibiga

