MAXINE’S POV Ilang araw na ang lumipas, simula nang lumabas si Grey sa hospital. Kinakailangan par in niyang mag-theraphy para sa kanyang pagsasalita. At minsan nga lang ay nagiging moody siya. Andito kami ni Lucas sa tapat nang pinagagawa niyang bahay dito sa Intertown. Kumpara sa mansion nila sa Manila’y mas maliit ito. Ngunit dito sa Intertown ay isa ito sa pinakamalaking bahay. Pinagawa niyang four storey house ang aming magiging bahay. At bawat palapag ay may balcony, na ang pinaka dingding ay tinted glass wall. Papalagyan din ni Lucas ng CCTV, ang bawat sulok ng bahay. At may pinaka-rooftop pa ito kung saan, may maliit na pool siyang ipapalagay. Tumikhim si Lucas at inakbayan ako. “Babe, hindi mo ba ako tatanungin? Kung bakit nagpagawa ako ng

