MAXINE’S POV Hanggang ngayo’y hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nalaman tungkol kay Gabriel. Magsisi man ako’y huli na ang lahat at nadungisan ko na ang aking p********e, dahil naniwala ako sa kanya nang lubos, kaya pati sarili kong anak ay hindi ko pinaniwalaan. Nahihiya ako kay Lucas na siyang tunay at wagas na nagmamahal sa akin na handa akong tanggaping muli at kalimutan ang nakaraan. Napaka-swerte ko kay Lucas dahil tanging ako lang ang minahal. “Maxine, don’t cry please! Ayoko kong nakikita kang umiyak! Malaki rin ang naging kasalanan ko sa ‘yo noon, pero minahal mo pa rin ako. Sa gitna nang kagaguhan ko noon,” sabi ni Lucas habang nakatitig sa akin. “Pero, Lucas, hindi na ako kasing linis noon, na tanging ikaw lang ang lalaking pinag-alay

