MAXINE’S POV “Ma’am Maxine, pinasasabi po ni Sir Lucas na kailangan n’yong suotin ang binili niyang damit para inyo,” utos ni Kate sa akin nang makarating kami sa isang silid. Pagkatapos ay kinuha niya ang aking bag na dala. Tumingin siya sa akin at muling nagsalita. “Ma’am Maxine, dadalhin ko lang po ito sa inyong pinakasilid. Babalikan ko po kayo dito para ihatid kayo sa roof top,” pagpapaalam sa akin ni Kate na labis kong ipinagtaka, dahil sa sinabi niyang pinakasilid ko. Tumango ako kay Kate. “Thank you,” matipid kong sambit at nagtungo na ako sa pinaka-dressing room nitong silid na pinagdalhan niya sa akin. Napailing ako nang pagpasok ko sa dressing room ay makita ko ang note na nakadikit sa salamin. ‘Please, wear that dress that I buy for you. Especially the best

