MAXINE’S POV After One Year Newton, Singapore Andito ako sa ION, isang sikat na mall dito sa Singapore na matatagpuan dito sa Orchard Road, ang pinaka-city ng Singapore. Sa pagpunta ko dito sa Singapore ay marami ng nagbago sa akin, naging independent ako at naging mabilis sa akin ang oras. Bawat minute dito sa Singapore ay mahalaga, kaya natuto na akong kumilos ng mabilis, kumpara sa dating ako na ang bagal kumilos at tanging kay Lucas lamang umikot ang aking mundo. Pinipilit kong kalimutan si Lucas, ngunit may mga araw na nangungulila ako sa kanya. Ang puso ko’y nagsusumigaw na balikan siya, ngunit ang isip ko’y kumukontra na balikan siya. Hindi madali para sa akin ang kalimutan siya, ngunit pipilitin ko. Ngunit sa tuwing nakakakita ako ng bata ay naalala ko ang anak namin, na hind

