MAXINE’S POV Buo na ang aking desisyon na sumama kay Lucas. At upang maging maayos na ang lahat sa aming dalawa. Inilalagay ko ang aking mga gamit sa maleta nang biglang dumating si Gabriel. Tiningnan ni Gabriel ang aking maleta na may mga damit. “Anong ibig sabihin nito?” seryosong tanong sa akin ni Gabriel. Tumingin ako kay Gabriel. “I’m sorry, mas mabuti sigurong maghiwalay na tayong dalawa at nang hindi ka na mahirapan pa,” tugon ko kay Gabriel habang patuloy ako sa aking ginagawa. Ngumisi si Gabriel. “Hindi mo ba talaga kaya akong mahalin?” tanong sa akin ni Gabriel. Umiling ako. “Gabriel, pinilit kong pag-aralan kang mahalin, ngunit hindi ko magawa. Dahil si Lucas pa rin ang laman ng aking puso,’’ paghin

