NANANAKIT ang mga tuhod ni Olivia mula sa pagkakaluhod. Hirap siyang naglalakad ngayon kasama si Gaurish pabalik sa sasakyan. Nauuna siya rito pagka’t batid niyang masama ang mood ng lalaki ngayon dahil sa ginawa niya. Hindi maganda ang pangitain nang linya ng kilay nito at lakad. “You don’t have to do that, Olivia. Hindi mo kailangang mag-makaawa sa kanila dahil wala kang kasalanan,” tila nanunuway na saad ni Gaurish sa kanya pagkarating nila sa pinag-parkingan ng kotse nito. “Anong gusto mo? Panoorin ka’ng balewalain ni lolo? I wan’t to help you too,” inis niyang wika. Tinutulungan na niya ito pero siya pa ang masama. Gusto niyang matawa. “I don’t need your help, Olivia. I just need you to understand and obey me.” Natawa siya nang tuluyan. Obey? Susunod na lang ba siya nang susunod d

