SA tapat ng Pajanel Mansion hininto ni Gaurish ang kotse. Pinagpawisan nang malagkit sa noo si Olivia. “B-bakit dito mo ako dinala?” naguguluhang tanong niya kay Gaurish. Susugod sila ng walang kahit anong paghahanda? Para na rin silang sumugod sa gera nang walang armas. “Haharapin ko sila. I will prove to you that I can protect you from them, Olivia.” kinalas nito ang seatbelt bago binuksan ang pinto. Natuod siya sa kinauupuan. Tama ba ang narinig niya? Haharapin nila ang matanda nang magkasama? Pumintig nang malakas ang puso niya. “Isa pa, ito naman ang dapat na ginawa ko simula pa lang. I’m the one who should be blame for all this mess. I will talk to Senyor Rodrigo. Pakikiusapan ko siyang i-atras ang kaso laban sayo.” “As if namang mababago mo ang isip ni lolo.” sarkastikong bara

