Chapter 26

1375 Words

PAPASOK na sana si Olivia sa kanyang silid nang biglang may humablot sa kamay niya at malakas na ipiniid sa pader. Nasindak siya nang Makita ang nanlilisik na anyo ni Nimfa. Namumula ang mata nito sa galit. “Masaya ka na ba’ng babae ka? Masaya ka nang magalit sa akin ang papa? Sino ka ba sa akala mo?” dinutdot nito ang noo niya. Sobrang masaktan siya sa higpit ng hawak nito sa kanya. “E, dayo ka lang naman dito.” “A-Auntie. . .nasasaktan ako. Hindi ko naman gustong mangyari ‘yon kanina,” aniya. Punong-puno nang suklam ang tingin nito sa kanya. Natatakot siya sa maaring gawin nito sa kanya. Dinaklot nito ang baba niya at inangat palapit sa mukha nito. “Anong hindi? Magpasalamat ka at hinayaan pa kitang magtagal dito kahit kating-kati na akong itapon ka sa putik na pinanggalingan mo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD