BURGUNDY ang kulay ng chiffon gown na suot ni Olivia. She looked stunning in front of the mirror. Maganda ang hulma ng kanyang katawan sa napakagandang gown. Saktong-sakto iyon sa kanya. Pino ang bawat sinulid at walang takas. Pinagtuunan naman niya ang kanyang istura. Her skin shimmering. Naging matapang ang itsura niya dahil sa contour na nilagay sa kanya ng make-up artist. Pinagmasdan niya ang repleksyon sa harapan ng salamin. Pulido ang ayos ng kanyang buhok. Halatang pinagaralan talaga ng oras ang naging ayos niya para sa isang espesyal na okasyon ngayong gabi. Isang praktisadong ngiti ang pinakawalan niya. Ito ang kailangan niya mamaya oras na magsimula na ang party. Bumuntong hininga siya bago napaklit ang ngiti sa kanyang labi. She was tired of this show. Hindi niya alam pero

