MARAHAS na singhap ang namutawi sa bibig ni Olivia nang sabihin iyon ni Gaurish. Mainit iyon sa puso. Lihim siyang nangarap na sana ay dalhin sila sa ibang pagkakataon kung saan maari siya nitong mahalin. “Don’t be scared, I’m just here. . .” anito, mas malapit kaysa sa una. Tinaasan siya nang balahibo sa tainga. Wala na sa kanila ang spotlight kundi sa mga bisitang nagsasayaw sa gitna ng dance floor. The guest are minding their own business now. Si Senyor Rodrigo ay nakikipagusap ngayon sa mga panyero nito. Hindi na rin niya mahagilap sa paligid si Nimfa at Tamara. Abala naman ang dalawa pa niyang pinsan na si Goldwyn at Kenneth sa pakikipagusap sa mga kababaihan. “Salamat, Gaurish,” she said to him. Nagagalak siya dahil kahit paano, tunay nga naman na nasa tabi niya ito. Subali

