MASAMA ang titig ni Olivia sa likuran ni Gaurish. Nakasunod siya rito upang ihatid sa sasakyan nito. Nagprisinta siyang gawin iyon dahil gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang plano nito at bakit pumayag ito sa nais ni Senyor Rodrigo na ipakita siya sa madla. Malapit na sila sa sasakyan nito nang magsalita siya. “Magkalinawan nga tayo, Gaurish. Sabihin mo nga, gusto mo ba talagang malaman ng pamilya ko at ng mga nakakakilala sakin ang pinagagagawa ko sa buhay? Talagang pumayag ka na i-broadcast sa telebisyon ang mukha ko. Hindi ako celebrity para ipalabas sa TV ang birthday celebration.” Inis niyang sabi sa lalaki. Hinarap naman siya nito at maaskad nitong dibdib ang tumapat sa kanya. “You don’t understand. Pumayag ako dahil mahirap ang tumanggi. Wala ako’ng maisip na paraan para s

