PALAISIPAN pa rin kay Olivia ang kung sino ang taong humabol sa kanya no’ng gabi na pauwi siya. That was traumatic. First time niyang maka-encounter ng life and death situation. Mabuti na lamang at malakas siya sa Diyos sapagka’t hindi pa rin talaga siya nito pinababayaan. Hari nawa’y patuloy siya nitong gabayan sa kabila ng mga kasalanan niya. She was in the middle of scrubbing the toilet when the door opened. Pumasok roon ang head ng utility. “Olivia, bitawan mo na iyang scrub at lumabas ka na rito. Simula ngayon, hindi na ito ang trabaho mo.” “T-talaga po ba?” Hindi siya naniniwala dito. If she know, pinagiinitan din siya nito dahil natanggal iyong lalaking nagugustuhan nito. Iyong nang-harass sa kanya sa pantry. Tumaas ang kilay nito. “Kung ako lang ang tatanungin ayoko, pero dahil

