“SO cousin, share mo naman kung anong klaseng buhay ang mayroon ka noong hindi mo pa alam na ikaw ang nawawalang apo ni lolo?” Muntik nang mabilaukan si Olivia. Umiinom siya ng tubig nang magtanong ang pinsan na si Tamara. Katabi ito ng dalawa nitong kapatid na si Kenneth at Goldwyn na kapwa tahimik na kumakain. Kasalukuyan silang nasa hapag. Kasama ang buong Pajanel. But Gaurish was still there, beside her. Hindi siya nito iniiwan at tila ba naninigurado sa mga kinikilos niya. Mula sa ospital ay nagpa-discharged na si Senyor Rodrigo upang magkaroon ng celebration para sa kanya. Hindi na siya nakatanggi sa mga nangyari at nagpatianod na lamang. “Oo nga, iha. Care to tell us what kind of life do you have before.” Pinangalawahan ni Nimfa ang tanong ng anak na si Tamara. Kinokorner si

