“NAKAKAINIS!” Ibinato ni Olivia ang toilet brush sa sahig na yari sa tiles. She was so tired. Kanina pa siya kuskos nang kuskos sa toilet bowl. Hindi pa siya pinagbi-break time ng head ng department. Tapos ay naka-assign pa siya sa banyo ng mga lalaki. Nahihiya tuloy siya sa tuwing may mga lalaking nag-babanyo. Lahat ng sizes tuloy ng hotdog nakikita na niya. Napasandal siya at pinunasan ang pawis na tumitira sa kanyang noo. Nangigigil talaga siya kay Gaurish. Ano na lang ang sasabihin ng lolo kapag nalaman nitong inaalila siya ng isang Del Fredo. Kung isumbong kaya niya ito? Napailing siya. Kapag ginawa niya iyon ay parang ibinuking na rin niya ang sarili. “Kaasar talaga!” atungal niya. Sa ganoong sitwasyon siya naabutan ng head. “Miss, Olivia. Maari ka ng mag-break,” anito. H

