Chapter 2

1538 Words
“ANAK, magkape ka muna.” Naibaba ni Olivia ang diyaryong binabasa, partikular iyon sa classified adds. Minsan tumitingin rin siya sa mga job sites tulad ng indeed at job street pero ‘di niya feel iyon. Pakiramdam niya ay puro scammer ang mga naroon. Tulad ng magulang niya, na-scam siya. Hindi naman na masama ang loob niya. Kaunti lang. Natanggap na niya ang paliwanag ng mga magulang pero may parte pa rin sa loob niya ang nanghihinayang. “Pakilapag na lang po, nay,” aniya. Ibinalik niya ang tuon sa ginagawang pagbabasa. Ginuguhitan niya gamit ang stabilo ang mga kompanyang hindi pasok sa qualifications niya. Inilapag naman ng kanyang ina ang tasa ng kape sa lamesang yari sa kahoy. Kumpara sa mga kagamitan nila, ito lang ang masasabi niyang maayos at matibay. Ang iba ay puro mga nabubulok na. Mukhang magagamit niya ang natitirang savings para pagandahin ang bahay kahit paano. “Anak, ano ba ang tinitingnan mo diyan sa diyaryo at kanina ka pa abalang abala?” kuryosong tanong ng ina niya. Hinila nito ang bakanteng upuan at saka umupo roon. Wala ang tatay niya kasama ng kanyang panganay na kapatid na pumasada ng jeep. Iyon ang kinabubuhay ng Kuya Brando niya. “Naghahanap ho ako ng trabaho, nay. Kailangan po eh. Hindi naman ganoon kalakihan ang naipon ko. Mga ilang buwan lang, mauubos rin iyon. Plano ko, mag-apply sa ibang kompanya kung saan magagamit ko na ang natapos ko.” Nagtapos siya sa kursong Business Administration sa isang pampublikong paaralan. Iskokar siya ng bayan. Ngunit nang makatapos ay mas pinili niyang magpakaalila sa dayuhang bansa dahil mas malaki ang kita. She choose to be practical. Mas gusto niya ang dolyares kaysa sa peso. Ang tawag nga sa kanya ng mga nakakakilaka ay mukhang pera. Kahit naman sino, kung nakaranas ng paghihikahos sa buhay ay gano’n rin ang magiging pananaw. Walang bagay sa mundong ito ang hindi sasayaw sa bawat numero ng pera. “Matagal mo’ng hindi nagamit ang kurso mo, iha. Kakayanin mo ba?” “Opo naman nay! Iskolar ata ako dati! Wala akong hindi kayang gawin.” Confident niyang tugon, bagamat naiisip niyang may punto ang ina. Mas kabisado niya ang magluto, maglaba at mag-kuskos ng inidoro kaysa ang tinapos mismo. Palibhasa ay wala siyang masiyadong experience maliban sa on the job training niya noon. Lihim siyang napabuntong hininga. Bahala na si Batman. Susubukan niya lahat ng uri ng trabaho basta legal. ALA-singko pa lamang ay nakagayak na si Olivia upang umpisahan ang pag-aapply. She wears a corporate attire. Black stocking with two inches heels. Nakalugay ang kanyang pinagmamalaking itim na buhok. Silky iyon at shining. Mabuti at nasa baul pa niya ang damit na ito at itinagong mabuti ng ina. Nailigtas sa nga dumaang pagbaha. Huling suot niya nito ay noong final thesis defense pa niya. Kasyang kasya pa rin sa kanya. Slim at petite lamang siya so she preferred high heels to add up her height. Hindi siya masiyadong nag-lagay ng make-up. Nude make up look was refreshing. Pero naglagay siya ng lipstick to emphasize her kissable lips. Nang pumatak ang ala-sais ay lulan na siya ng taxi. Sa Eastwood ang patungo niya. Wala siyang nakita kahapon sa diyaryo kung kaya nagtiyaga na lamang siya sa mga job sites. Naintriga siya sa isang post roon ng isang kilalang kompanya. Malaki ang offer na income nila para sa normal na empleyado. Mas malaki pa sa sweldo niya sa ibang bansa. Kahit high school graduate pasok basta willing to do anything ayon sa job description ng naturang kompanya. Kinain siya ng curiousity so she decided to send her resume right away. Luckily, she got a quick responsed at ngayon nga ang interview niya. Sana lang talaga, hindi iyon scam. Narating niya ang eksaktong lugar sapagkat walang masiyadong trapik. Sa labas pa lang ng matayog na kumpanya ay nalula na siya sa laki niyon. Mukhang hindi nga scam at legit talaga! Piping sigaw ng konsensya niya. Nag-patuloy siya sa pagpasok sa loob at agad niyang tinungo ang receptionist. “Miss, I’m Olivia Cosme. I have a job interview for today.” “Can you show me the email confirmation from our company, ma’am? No email, no interview ang rules ng kompanya,” magiliw namang sabi sa kanya nito. Ipinakita niya rito ang buong teksto ng email galing sa kompanya. Pina-print pa niya iyon sa mumurahing internet café sa kanto nila. Natuwa siya nang paakyatin siya ng receptionist sa six floor. Ibig sabihin ay nasa list nga siya ng isa sa mga i-interbyuhin. Pinag-iwan din siya nito ng identification sa front desk. Nag-pasalamat muna siya rito bago pumasok sa elevator. Nagulat siya sa namataang pila ng mga kababaihan paglabas ng elevator. Kapareha niya ay mga naka-corporate attire rin ang mga ito. Ganito ba ka-indemand ang kompanyang ito at ang daming nag-a-apply? Lahat ba ito ay prospect competitors niya sa posiyong a-applayan? Aba, kung gano’n kailangan niya nang matinding strategy para matandaan siya ng panel at makamit ang inaasam na job offer. Tumikhim siya nang dumako ang mga mata sa kanya ng lahat. Naglakad siya sa pinakadulo ng pila. “Miss, ikaw na ba ng last sa pila?” agaw tanong niya sa babaeng pinakahuli sa linya. Nagbabasa ito nang istorbohin niya. Tumango lamang ito at muli na namang nagbasa. “Mag-aapply ka rin ba, miss?” Pangungulit niya ulit rito. “Sobrang daming aplikante no. Matatanggap kaya tayo?” She was trying to have a conversation para naman hindi mapanis ang laway niya. Wala pa naman siyang almusal kaya kapag nagutom siya ay babaho ang bibig niya. Ito rin ang medical explanation sa kanya ng doctor noong magpa-check up siya dahil sa sumasakit niyang ngipin. “Obvious ba? Pwede bang ‘wag mo ko istorbohin? Nakita mo namang nagbabasa iyong tao eh.” Mataray na asik nito sa kanya. Napanguso na lang siya at napipil ang bibig. Parang nagtatanong lang eh. Umayos siya nang tayo at palihim itong inungusan. Napansin niya ang isang vending machine malapit sa kanya. Naisip niyang magkape muna para naman mag-kalaman ang gutom niyang sikmura. Nag-hulog siya roon ng limang piso at agad kinuha ang mainit-init pa na kape sa styro cup. Umuusok na inihipan niya iyon bago sumimsim. Tumunog ang elevator na ikinalingon ng lahat. Lumabas ang grupo ng mga unipormadong lalaki. Sumibol ang bulungan nang magbigay daan ang mga ito sa lalaking naka-three piece suit. Mas lumakas ang alingasngas nang magsimulang maglakad ang lalaki. Majority ang ingay sa mga nakapila sa bandang unahan. Tindig at tikas pa lamang kasi nito ay umaapaw na ang pagiging dominante. Iyong tipong hindi papahuli ng buhay. At kapag nagkamali ay hindi marunong magpatawad. Ganoon ang impresyon niya rito. Tinanggal nito ang suot na shades. Ikinalundag naman kaagad ng puso niya ang kulay ng mga mata nito. Kulay abo iyon, nababagay sa makapal nitong kilay. Masasabi niyang may lahi ang lalaki dahil ang features ng mukha nito ay natutulad sa mga banyaga ang dugo. Noong nasa ibang bansa pa siya ay paborito niyang panoorin ang mga turkish drama kaya masasabi niyang nalilinya ang mukha nito sa mga aktor ng naturang drama. Nakatingin ito ngayon sa kahabaan ng pila. Inisa-isang tingnan ang lahat. He’s like a well-defined statue na naka-display sa department store. Hindi maaring hawakan bagamat pwedeng pag-masdan. Hanggang sa napako ang mata nito sa pinakadulo. Shit! Saka niya napagtanto na siya ang nasa dulo. Tila maiihi siya sa intensidad ng mga tingin nito. “Dianna. . .” kapagkuwan ay barotinong tawag nito sa pangalan pag-katapos ay may sumulpot kaagad na isang babae na may hawak na ipad. Hindi niya ito napansin dahil ang buong atensyon niya ay nasa lalaki. Kung paano ito kumurap at lumunok. Naitanim niya iyon sa likod ng kanyang isipan. “Yes, sir,” ani babae. Marahil ay sekretarya ito. Swabeng bumulong ang lalaki sa tainga ng sekretarya bago naglakad papasok ng opisina. Naiwan sa labas ang mga bodyguard. Tumango-tango ang sekretarya bilang pag-sangayon. “Everyone listen. Magsisimula na ang interview. Pero gusto ni Mr. Del Fredo, na sa huli magsimula ang unang i-interbyuhin. If you have any violent reaction, you are free to leave right now,” anunsyo nito sa kanila bago nakangiting bumaling sa kanya. Ikinagulat niya iyon. “Follow me,” utos nito bago nauna nang maglakad. Halos mayupi niya ang styro cup na hawak sa sama nang tingin sa kanya ng mga kasamahan sa pila. She just shrugged and followed the secretary. Minsan talaga, kapag hindi mo inaasahan nangyayari. Bumukas ang pinto ng opisina at niluwa roon ang lalaking pinangalanan kanina ng sekretarya ang may-ari ng kompanya na Mr. Del Fredo. Nakaabang ito roon habang naiinip sa pag-iintay. Ngunit bago pa siya makalapit sa pintuan ay may kung sino ang sumilapid sa kanya. Nag-dulot iyon nang kawalan niya ng balanse at nabitawan ang mainit-init na kape. Lumipad iyon sa ere. Tila tumigil ang oras nang makitang tumapon iyon sa lalaking naka-three piece suit. Nag-mantsa roon ang kulay ng inumin. Dahan-dahan siyang nagbaba ng mukha habang umuusal nang dasal. Parang gusto na lang niyang maglaho sa kawalan dahil ang sama nang titig nito sa kanya. Animo’y papatay ng isang lampang tulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD