HINDI mapaliwanag ni Olivia kung paano aakto sa harapan ng taong natapunan niya ng kape, na si Mr. Del Fredo. Nakapagpalit na ito ng suit. Sa nangyaring insidente kanina ay hindi man lang siya nito sinigawan o pinahiya sa mga tao. Instead ay tinalikuran lamang siya at nakapag-instant change outfit kaagad ito. Gayunman, kahit hindi niya nakuha ang nararapat na reaksyon sa nagawang katangahan ay alam niyang nagtitimpi lang ito batay sa kung paano siya tiningan nito kanina.
Puno nang kamandag ang awra nito at sobrang naninindig ang kalamnan niya. Ayon nga sa mga kasabihan, mas nakakatakot daw ang mga kalmadong tao at hindi madalas magsalita. Dahil ito ang mahirap basahin o i-predict. Para sa kanya ay isa itong bulkang hindi alam kung kailan mag-aalburoto at sasabog. He looks so calm yet so dangerous man.
Nasa loob na siya ng eleganteng opisina nito. Nakaupo siya sa swivel chair at ito ang mag-i-interbyu sa kanya. Nakatingin ito sa printed resume na isinumite niya thru site. Katabi nito ang nakatayong sekratarya.
“Sir, sorry po talaga. Hindi ko po talaga sinasadya na matapon ang kape sa suot niyo,” hinging dispensa niyang muli.
Ngunit tila hindi nito narinig ang paumanhin niya. His eyes was still intact to her resume. Binabasa ang bawat nilalaman roon. Nang ibaba nito sa wakas ang hawak na papel ay alerto siyang umayos nang upo. She almost flinched when he stared at her.
“So, Miss Olivia Cosme, do you even know how to make a proper curriculum vitae? I bet you don’t. You just gave me a trash,” salubong ang kilay nitong komento sa kanya. Hayagan ang tingin nitong nanunuya.
“H-huh?” Naguluhan siya sa pinahayag nito.
“Maliban sa mga pinaglalagay mo rito sa basurang papel na ‘to, ano pa’ng mga bagay ang interesante tungkol sayo?” His arrogant voice suddenly filled to her ears.
Kumbaga sa medical term, nag-malfunction ang tainga niya sa narinig. Kung hindi siya nagkakamali, tinawag nitong basura ang curriculum vitae niya. Two times pa nitong sinabi sa tagalog at ingles.
Nag-init ang bunbunan niya sa naging pahayag nito at parang gusto niya tapunan muli itong ng kape. Iyong mas mahal na para with feelings.
“P-pardon, sir? Can you please repeat your question again,” aniya habang itinitimpi ang sarili.
“Tell me something interesteng about you,” ulit nito na hindi nabawasan ang ka-arogantehan sa boses.
“After I graduated in college, I decided to try my luck in other—”
“Nabasa ko na ‘yan. May iba pa ba?”
Sandali siyang nagisip, lahat ng nilagay niya sa resume ay maayos naman. Ano pa bang gusto nitong i-share niya? Marahil ang gusto nitong marinig ang nga hobbies niya.
“I love reading poems. I am also sports enthusiast—”
“That’s too common,” putol muli nito sa kanya. “I want to hear something.”
Nag-isip muli siya. E, kung ang family background kaya niya? Baka maawa ito sa kanya kung sasabihin niya ang kahirapan niya sa buhay.
“I’m the bread winner of our family—”
“Don’t give me pitiful story of your life. I have no mercy.”
Natigilan na siya. Sa kalooban niya ay nais niyang mapasimagot. Naiinis na siya! Ano ba talaga ang gusto nitong marinig? Lahat na lang ng sinasabi niya pinuputol nito kaagad.
“Miss Cosme, If you can’t say anything, you may leave now.” May pinalidad sa boses nito. “Dianna, call the next applicant,” anito sa sekratarya.
“No, sir!” pagpigil niya, nahawakan niya ang kamay nito sa pagkataranta. Hindi siya maaring ma-reject. Hindi na siya nakakahanap na kompanyang malaki mag-offer.
Inalis nito ang kamay sa paghahawak niya na parang isa siyang bakterya. “Then start thingking on how you will get the job. Give your best shot, Miss Cosme.”
Bumuo siya ng isang alanganin na ngiti at tumango. Alam niyang hinahamon siya nito dahil sa nangyaring insidente kanina. Alam niya ang impression nito sa kanya ay hindi maganda. Ngunit mas mahusay na subukan ang swerte kaysa hayaan lamang na mawala ang pagkakataon.
Sumandal ito sa headrest at nagsimulang maghintay nang gagawin niya. Nagisip si Olivia ng maaring gawin, iyong tipong hindi makakalimutan ng lalaki. Tutal ang sabi nito ay kailangan interesante raw.
She started humming. Tumaas naman ang kilay ng lalaki nang marinig ang pag-huni niya.
Itinaas niya ang kamay sa tapat ng bibig at nag-mistula iyong mikropono. “I can live, I can love. I can reach the heavens above. I can right, what is wrong. I can sing just any song. I can dance, I can fly. I can be your good friend. I can love you until the end.” Pakanta niya sa isang liriko ng kanta. Nang matapos ay walang kaabog-abog na tumayo siya at inalala ang isang sayaw na napanood niya sa isang sikat na apps. “Yes I do the cooking. Yes I do the cleaning. Yes, I keep the nana real sweet for your eating. Yes, you be the boss I yes be respecting. Whatever that you tell me, cause it’s game you be spitting.” Pati ang dance step ng naturang kanta ay sinayaw na niya. Pakapalan na lang ng mukha.
Nang matapos ay malakas siyang napabuntong hininga. Hindi ata job interview ang napasok niya kundi talent audition. Tiningnan niya si Mr. Del Fredo na wala paring emosyong ipinapakita. Samantala ang sekretarya nito ay halos mabilaukan sa pagpipigil nang tawa.
Ilang minuto bago ito nagsalita. “I have a good news and bad news for you,” siklop ang mga palad ng lalaki sa ibabaw ng mesa. “Mamili ka kung ano ang mauuna?” Lumiwanag ata ang kalangitan nang ngumiti ito sa kanya. Nakakita siya ng pag-asa na makukuha niya ang trabaho.
“Good news, sir,” mabilis niyang pinili ang una.
“Congratulations, you’re hired,” anito.
Sa sobrang galak niya ay napasuntok siya sa hangin. Napatalon-talon siya. “Ano naman po ‘yong bad news?” He shrugged his shoulder and raised his left eyebrow. “Well, the bad news is, you’re fired, Miss Cosme. Now, leave!” Dumagundong ang sigaw nito sa kabuun ng opisina.
“Pe-pero, sir. . .” tututol pa sana siya ngunit nagsalita ito agad.
“Dianna, pakialis nga ang babae na ‘yan sa harapan ko.” He gave her a dismissal look.
“Yes, Mr. Del fredo. Miss Cosme, lets go.” At iginiya nga siya ng sekretarya palabas ng opisina. Bagsak ang dalawang balikat na nagpatianod na lamang siya.
PAWISAN ang noo ni Olivia habang nakatago sa likod ng menu ang mukha niya. Nasa loob siya ng isang coffee shop kung saan naka-disguised siya upang hindi makilala ni Mr. Del Fredo. Kasalukuyan itong nakikipag meeting sa isang business man. Ilang araw na niyang ini-stalk ang masungit na lalaki upang abangan at makausap. Ginawa niyang lahat upang makabalik sa Del Fredo Group of Company ngunit pinagtatabuyan lamang siya ng sekretarya nito hanggang sa na banned na nga siya ng tuluyan sa teritoryo nito.
Ibinaba niya nang dahan-dahan ang menu bago sumilip roon. Inayos niya ang makapal na salamin upang mas malinawan ang bulto ni Mr. Del fredo. Nangangarap niya itong pinagmasdan. He looked so elegant in his formal suit. Nakakaakit ang paraan ng pagsasalita nito sa harapan ng kausap, napakaseryoso at alam na alam ang dapat ikilos. Bagama’t hindi ngumingiti ay puno pa rin ito ng karisma. Napakakinis ng mukha at walang kagalos-galos. Kahit ang pores nito ay mahihiyang mag-silabasan. Sa edad na bente- sais ay bihira lamang siyang humanga sa purong pinoy dahil ang mga tipo niya talaga ay iyong katulad ni Mr. Del Fredo. Asian mixed. Kakaiba kasi ang obra kapag pinagsama ang genes ng dalawang mag-kaibang lahi. Naalala pa niya, pangarap niya dati ang mabuntisan ng isang foreigner kahit hindi na panagutan basta sa kanya ang bata ay ayos lang. Kung si Mr. Del Fredo ang mapapangasawa niya ay araw araw siyang luluhod sa Baclaran ng pabaliktad bilang pasasalamat.
“Ang gwapo talaga ni Mr. Del Fredo,” mahina niyang sambit sa buong pangalan ng lalaki. “Kaya lang ay pinaglihi ata ito sa sama ng loob,” bulong niya sa kanyang sarili at saka sumimsim ng in-order niyang ice tea. Muntikan na siyang mapaubo nang sumulyap si Mr. Del Fredo sa direksyon niya. Mabilis niyang itinago ang mukha sa hawak na menu. Kinabahan siya. Nakilala ba siya nito? Imposible. Sa ayos at porma niya ngayon, pihadong walang makakakilala sa kanya.
Upang makasigurado ay muli niyang inalis ang menu sa mukha at laking gulat niya nang makitang wala na si Mr. Del Fredo sa kinauupuan nito. Tanging kausap na lamang nito ang naroon at mukhang paalis na rin.
Naalarma siya. Nasaan na si Mr. Del Fredo? Agad siyang tumayo at naghanap sa paligid. Nang hindi ito makita ay nagbayad siya sa cashier pagkatapos ay nagtungo sa parking lot. Tiyak na naroon ang lalaki at hindi pa nakakaalis.
Hinihingal na tinakbo niya ang lugar. Namataan niya ang kotse ni Mr. Del Fredo na animo’y aandar na. Dahil na rin sa pagbuntot niya rito ng hindi nito naalalaman ay nakabisado na niya ang itsura at plate number ng sasakyan nito. Dinaig pa niya ang isang obsessed girlfriend sa kakahabol.
Hindi niya papayagan na makaalis si Mr. Del Fredo nang hindi niya nakakausap. She needed the job. She would do everything just to get that f*****g job kahit hindi siya sure kung anong klaseng trabaho ba iyon. Ang mahalaga, well compensated. Kung hindi makukuha sa taimtim na dasal, dadanan niya sa marahas na paraan. Kaya bago pa siya malagpasan nito ay lakas loob siyang humarang sa humaharurot na sasakyan. Napapikit siya sa ginawa. Halos mawalan siya nang ulirat nang makita sa harapan ang kotse. Akala niya ay mamamatay na siya.
Mula sa loob ay niluwa roon ang driver ni Mr. Del Fredo. Umakto siyang napaupo at nasaktan. Huwag sana siyang biguin nang naiisip niya.
“Aray!” She cried dramatically. Hinaplos haplos niya katawan na parang nananakit mula sa pagkabangga.
Natatarantang lumapit sa kanya ang driver. “Santisima! Ayos ka lang ba, ineng?” Nag-aalalang dinaluhan siya nito. Akmang hahawakan siya nito ngunit nagpanggap siyang nasaktan.
“Aray ko po, mama!” ngawa niya. Mas nilakasan pa niya upang sa gano’n ay maging convincing ang acting niya.
“Kaya mo bang tumayo?”
“Hindi po. Sobrang sakit po ng katawan ko.”
“Sandali! Kakausapin ko lang ang amo ko at dadalhin ka namin sa ospital, miss!” anang driver.
Bingo! Iyon mismo ang agenda niya. Ang makasama ang amo nito at mabigyan ng pagkakataong makausap.
“What's happeing to her, Mang Austin?” Mula sa likod ng driver ay sumulpot na si Mr. Del Fredo na nakapamulsa. Sumama ang mukha nito nang makilala siya. “It’s you again. Sinusudan mo talaga ako? I thought I have already escaped from you, but here you are again, doing something stupid.”
Aw! Stupid agad? Medyo na-hurt siya sa tinuran nito pero kailangan pangatawanan ang pagpapanggap. Magaling siya sa mga ganito, ang umakting. Whe she was in college, she was a former member of a theater group. Bukod sa mabuntisan ng AFAM at yumaman ay pangarap rin niyang maging sikat na aktres. Now, it's time to show her real talent. Hiling niya ay hindi pa iyon kinakalawang.
“S-Sir, nasagasaan ko po ata siya. Dalhin po natin siya sa ospital dahil mukhag nasaktan siya,” suhestiyon ng driver nito.
Upang segundahan ang inaakala ng driver ay pumalahaw siya nang iyak sa parking lot. Nakatawag iyon ng pansin sa gwardiya. “Ang sakit ng ulo ko! Ang sakit ng tuhod ko! Ang sakit ng bewang ko!”
“Sir, isugod na po natin siya sa pinakamalapit na ospital. Ayoko pang makulong,” kunsumidong saad ng driver ulit sa amo nito.
“Don’t mind her, Mang Austin. Uma-acting lang ‘yan. ‘Wag kang papaloko diyan. Ni walang galos ang katawan niyan,” hatol ni Mr. Del Fredo. Tila scanner ang mata nitong sumusuri sa kanya.
“Anong walang galos? Ako na nga itong nabunggo, ako pa ang nanloloko? Hit and run ang gagawin mo kapag iniwan niyo ako rito!” I shouted at him at the top of my lungs. “Idedemanda ko kayo!”
Walang konsiderasyon siyang tinaasan ng labi nito. “Hindi ka namin sinagasaan. Ikaw ang sumagasa sa sasakyan ko. I should be the one who file a case against you.”
Hindi siya nakaimik. Nabaliktad nito ang pangyayari ng hindi kumukurap. Nginisihan siya nito at saka pinagsiklop ang mga braso. “Let’s go, Mang Austin.”
“Pero sir, kawawa naman siya. . .”
“Mas kawawa ang kotse kapag nasakyan niya. Wala tayong pang-disinfect sa mga katulad niya,” anito at saka siya tinalikuran. Napipilitan namang sumunod ang driver nito.
Nagngingitngit ang loob niya. Ang sakit talaga magsalita ni Mr. Del Fredo. Walang preno. Hindi nag-iisip kung may masasaktan sa mga sinasabi nito. Sa sobrang gigil niya ay kinuha niya ang suot niyang sandal at saka binato ang ulo ni Mr. Del Fredo. Ito lang ang naisip niyang gawin maibsan lamang ang inis.
Narinig niya ang maingay na pagmumura nito pagkatapos ay marahas siyang tiningnan at nilapitan. Nahintakutan siya nang daklutin nito ang braso niya.
“Why did you do that? Hindi mo ba alam ang kaya kung gawin sayo? Kayang kaya kitang ipatapon sa labas ng Pilipinas.” He gritted his teeth. Nangingitim ang abuhin nitong mata.
Inaamin niyang tumatalab sa kanya ang sinabi nito. Ngunit hindi siya padadaig rito. Pinantayan niya ang tingin nito at saka malakas na sinipa ang tuhod nito dahilan upang mabitawan siya nito.
“s**t!” Impit nitong daing.
Agad siyang tumakbo nang mabilis paalis ng parking lot. Narinig niya ang pagsigaw nito sa buong pangalan niya kaya mas lalo niyang binilisan ang takbo. Nang makalayo ay saka lamang niya na-realized ang nagawang katagahan. Nasapo niya ang noo. Sa yaman ni Mr. Del Fredo ay baka ipatapon nga siya nito o kaya ay ipa-salvage.