Chapter 64 "Mukhang hindi na ata sila magigising kahit anong gawin natin." Sabi ng isang nilalang na may suot na saplot at may marka ng mga salamangkero sa likod. Huminga nang malalim ang katabi niya at saka kumunot ang noo. "Kailangan nating maghintay hangga't hindi pa tayo binibigyan ng utos ng mga nakatataas. Sa ngayon, babantayan lang natin sila." Sagot naman nito sa kasama. Tinignan nila ang ilang mga tube na nasa harapan nila. Mga nagyeyelo ang mga ito. Noong nakita nila ang mga katawan nila ay malapit na itong maglaho at maging abo na lamang, ngunit ginamit ni Lucifer ang kaniyang kapangyarihan upang i-preserve ang mga katawan nito at iwasan ang paglaho nila. Noong una palang ay alam na ni Lucifer na hindi nila magagawa ang balak nila kaya gumawa na siya ng paraan upang mailigta

