Chapter 63 Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita si Leighton. May mga ibon na dumapo sa balikat ko at sa kama pero hindi ko magawang ituon sa kanila ang buo kong atensyon. Kailangan kong mahanap si Tonton! Paano kung may masamang nangyari na sa kaniya? "Leighton!" Sigaw ko at sinubukang tumayo. Hindi naman ako nabigo at nagawa ko ngunit wala na akong sapin sa paa ko. Kulay puti na lamang ang suot kong damit at nakalugay na ang buhok ko. Tumakbo ako sa buong lugar upang hanapin si Leighton. Hindi ko maiwasang purihin ang paligid ko habang tumatakbo. Ang linis ng mga tubig dito, ang daming ibon at iba't ibang kulay ng mga paru-paro. Iba't iba rin ang kulay ng mga bulaklak at napakataas ng mga puno na malalago ang mga dahon. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila pero ngayo

