Chapter 62 Nang makalayo ang mga akuma dahil sa liwanag na nanggaling sa kamay ni Zora ay lumusob kaagad sa mga ito si Sylvari. Kung ang zodiac ay may Nixon, ang water manipulator, mayroon din ang mga titans at iyon ay si Sylvari. Dahil halos puro tubig ang kanilang paligid ay hindi siya nahirapan na puksain ang mga ito gamit ang kapangyarihan. Ngunit hindi tulad nang mga nakaraang mga akuma na nakalaban nila ay nakakailag na ang mga ito sa kanilang mga atake. Para bang may mga sarili silang isip kung kumilos. "Damn these psychopaths!" bulalas ng dalaga sa mga ito. Isang metal na armor ang bumalot sa kaniyang katawan nang magpormang baril ang mga akuma. Hindi lang ito nakakailag sa mga kapangyarihan niya, sanay na rin itong lumaban at si Sy ang kaniyang puntirya. "Can't you die in pea

