Chapter 61 "The world that you see today, is not the same world that you saw before. Marami na ang mababago simula dito. Marami na ang mga bagay na hindi mo inaasahan na nangyayari ngayon at may mga bagay akong sasabihin sayo na nangyari noon na hindi niyo napansin." Sabi ni Coen habang nakatingin sa bintana. Katabi niya si Leighton na nakikinig lang sa kaniya at nakatingin din sa labas. Kita mula sa kinaroroonan nila ang mga akuma na paalis na. Para silang mga lamok kung titignan at sa sobrang dami nila ay hindi mo na mabibilang. Nakakadiri na silang tignan! Hindi rin maintindihan ni Leighton kung bakit paalis na ang mga ito. "Naiintindihan ko po pero... hindi ko parin maintindihan ng mabuti." Naiiling na sabi niya. Nalilito na rin kasi siya sa mga nangyayari sa paligid. Ang tanging

