Chapter 60 Point of View: Third Person Napalingon si Leigthon sa paligid niya upang hanapin si Ellaine. Bigla kasi siyang nataranta matapos siyang halikan ni Venice sa pisngi. Alam naman niya kung gaano kapanganib ang ginawa ni Venice na iyon pero imbis na magalit ay nag-alala agad siya sa kalagayan ni Ellaine lalo na at wala ito sa kinauupuan niya kanina. Bigla na lang itong nawala sa upuan niya kahit na ilang segundo palang niyang tinatanggal ang paningin niya rito. Matatapos na sana ang shoot nila dahil naging maayos lang ang takbo nito ng bigla na lang siyang halikan ni Venice sa pisngi. Alam naman niyang bilang pasasalamat lamang iyon pero nakaramdam kasi siya ng kung ano sa dibdib niya. Hindi siya mapakali! Lalo na at alam niyang nasa hindi maganda silang kalagayan sa ngayon. Tapo

