Chapter 36 "Dali na Ellaine, please! Isama mo na lang din si Leighton para may makasama ka. Ayoko talagang pumunta roon mag-isa eh," pangungulit ni Tricia. Kanina pa 'yan ganyan! Pilit kong sinasabi na hindi ako makakasama pero ang kulit kasi niya, ayaw paawat! Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko sa pangungulit niya kaya naman nagpasya na akong baguhin ang nasa isip ko! Napabuntong hininga na lang ako bago ko siya sagutin. "Sige na, sige na! Pero hindi ko sure kung papayag si Leighton, a?" Sabi ko. Para naman siyang nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ko na iyon. Para bang hindi na siya mabubuhay sa mga susunod na araw dahil sa inaasta niya. "Talaga? Yes! Aasahan ko 'yan, a?" Napangiti na lang ako sa inasta niya. Para siyang batang binigyan ng candy kahit na alam niyang s

